(AN: FLASHBACK 'to. Ito yung mga nangyari before the hulihan moment.)
"Thanks, man." ibinaba na ni Josh ang tawag. Kausap niya si Eric, kakuntsaba niya sa plano niyang surprise kay Aliyah. Napapangiti siya tuwing naiimagine niya ang nakangiting mukha ni Aliyah at kung paano ang magiging itsura nito pag nakita ang surprise niya. Matutuwa 'yon, for sure.
Kinausap niya si Eric, Rachel pati si Trixy tungkol sa gagawin niya. Natuwa naman ang mga kaibigan ni Aliyah at sinabing tutulungan siya ng mga ito. Ang plano ay hindi sisipot si Josh sa lunch break nila. Idadahilan ni Eric na hindi niya nakita si Josh at sila Rachel naman ay gagatungan lang. Sa ganoong paraan, magagalit si Aliyah. At pag nagalit siya, hindi niya maiisip na may surprise si Josh sa kanya. Yun naman talaga ang goal nila. Galitin siya nang mas masurprise siya kasi hindi niya nga inaasahan. May inutusan si Josh na isang lalaking tumutulong sa pag-aayos nila sa garden.
"Ganito, pupuntahan mo siya tapos sasabihin mo nakita mo ako dito sa garden na may kasamang babae, okay?" utos ni Josh. Tumango naman ang lalaki. "Sisignalan nalang kita pag pupuntahan mo na siya." binayaran niya yung lalaki.
Yun ang inutos niyang sabihin para mag-alburoto si Aliyah at sumugod na agad sa garden at doon na niya makikita ang surpresa ni Josh.
Tinapik ni Josh ng mahina ang balikat ng lalaki tska bumalik sa pag-aayos. Naeexcite na kinakabahan siya sa mangyayari. Hindi ito ang unang surprise na ginawa niya pero kinakabahan padin siya.
"Sana magustuhan ni Aliyah." bulong niya sa sarili at napangiti. Nakapag-paalam na siya sa dean ng school na 'to para dito kaya ayos na ang lahat.
Nang matapos na lahat, mga table settings, banners, flower arrangement, musicians at pagkain na iseserve ay sinignalan na niya ang lalaking inutusan niya na puntahan na si Aliyah.
Tumakbo naman ang lalaki papunta sa canteen, pero bago 'yon ay may humarang sa kanyang lalaki.
"Pare, ako na daw ang pupunta kay Aliyah sabi ni Josh." sabi sa kanya nung humarang na lalaki.
"Ha? Eh ako pinapapunta eh. Tabi diyan." dadaan sana siya pero itinulak siya nung humarang.
"Gago ka ba? Ako na nga ang inutusan eh. Sabi nga pala ni Josh, pumunta ka sa unang pinto sa kanan pag labas mo ng lobby. May pinapakuha siya doon." sabi ng humarang sabay tumakbo papuntang canteen.
Kahit naguguluhan ay sinunod padin ng lalaki yung humarang sa kanya. Sa halip na pumuntang canteen ay pumunta siya sa sinabi ng lalaki.
Tska niya lang naalala na hindi sinabi nung lalaki kung ano ang pinapakuha sa kanya. Aalis na sana siya para pumuntang canteen pero mat humila sa kanya papasok ng room at may pinaamoy, dahilan para mawalan siya ng malay.
Sa kabilang banda naman ay kinakabahan na naeexcite si Josh. Hindi siya mapakali. Palaging chinicheck kung okay ang itsura niya. Ang iba ngang mga babae ay parang nanaginip na nakatingin sa kanya, yung iba ay nanghihinayang, yung iba naman ay kinikilig.
Lagpas 10 minutes na at dapat, nandoon na si Aliyah. Napapakunot-noo na siya kung bakit wala pa ito.
"Asan na ba 'yun?" tanong niya sa sarili habang tinitignan ang way na dadaanan ni Aliyah.
Nagsisimula na siyang magtaka kung bakit 20 minutes na ang nakalipas mula nung tamang oras ay wala pa rin si Aliyah. Pero hindi siya nagpatinag, inabangan niya pa din si Aliyah.
![](https://img.wattpad.com/cover/8545068-288-k993022.jpg)
BINABASA MO ANG
Neighbors With Benefits (COMPLETED)
Genel KurguThe genre of this story is General Fiction. Contains mature scenes and words that are not suitable for your conservative mind. Ps. UNDER REVISION. Tadtad ng grammatical and typo errors. Napost nadin yung mga BS na nawala. Enjoy reading. :) AliyahxJ...