Thirty-eight

196K 2K 146
                                    

Mabilis akong napaupo mula sa pagkakahiga nang magising ako. Nagpalingon-lingon ako sa paligid. Nasa isang kwarto ako, isang magandang kwarto at nasa kama ako. Sobrang tahimik, wala atang ibang tao. Ang ipinagtataka ko lang, bakit andito ako? Eh parang kanina lang, may kumuha sa aking isang lalaki, ah? Asan na siya? Tska teka..


Bakit nakadress na ako?!


Mabilis akong bumaba sa kama at muntik na akong matapilok dahil nakasuot pala ako ng 6 inch heels. Bwisit, muntik nako dun! Ano ba kasi 'to?


Naglakad-lakad ako sa loob ng kwarto. Mukhang kwarto ito ng babae dahil pink ang pintura at may pink laces din ang bawat unan at yung bedsheet mismo. May chandelier din, tapos kulay pink at fuchsia ang mga throw pillows sa sofa at pale pink ang kulay ng sofa. May malaki ding life size teddy bear sa kama-- teka?! Y-Yung teddy bear na 'yon.. yun 'yung binigay ni Josh sa akin! Bakit nandito?


Kukunin ko sana 'yung teddy bear nang bumukas ang pinto. Pumasok si.. Rachel at Trixy?!


"Anong ginagawa niyo dito? Tska... ako? Asan ako? Anong ginagawa ko dito?" sunod-sunod kong tanong. Natawa naman 'yung dalawa na parang walang nagfu-freak out sa harap nila.


"Easy ka lang, girl. Ready ka na ba?" nakangiting tanong ni Rachel.


"Huh?" napataas ako ng kilay.


"Mukhang ready na siya. Hahaha!" si Trixy naman. Napakunot ako ng noo.


Asan ba kami? Tska bakit ganito na ang suot ko? Tska... sila din?! Bakit nakadress na sila? May party ba na hindi ko alam? At oo nga pala, ano 'yung kanina? Yung akala kong kinidnap ako. Naligtas ba nila ako? Argh! Ano ba?!


"Tara na?" yaya ni Rachel. Hindi ako gumalaw o sumagot. Sa totoo lang, wala akong ideya sa kung ano bang nangyayari.


"Teka lang, magretouch ka muna!" sabay hila sa akin ni Trixy doon sa salamin at pinaupo ako sa harap nito. Binuksan niya yung drawer at may kinuha siyang make-up kit.


Hinawakan niya ang mukha ko at dinampian ng blush-on ang mapula ko ng pisngi. Tapos sunod ay lipstick kahit na may lipstick na ako, hindi naman kumapal. Inayos niya din ang kulot kong buhok. 'Tong mga 'to! Marunong naman akong magmake-up eh.


"Beautiful Aliyah.." sabi ni Trixy habang nakangiti na akala mo'y isa ako sa mga obra niya. Maya-maya'y bigla siyang nangisay, hindi, parang kinikilig? "Omygee, I'm so happy for you!"


"Happy? For what--?"


"Ahm, let's go!" aya ni Rachel at inalalayan ako sa pagtayo.


"Ano ba Rachel, hindi naman ako lumpo!" natatawang sabi ko kay Rachel, natawa nalang silang dalawa ni Trixy at hinayaan akong maglakad mag-isa.


Lumabas na kami ng kwarto. Bigla akong kinabahan, ewan ko pero bigla akong na-excite. Parang may mangyayaring hindi ko inaasahan.


Medyo may kahabaan ang pasilyo na dinaanan naming tatlo. Ngiting-ngiti sila, mga high ata to eh. Wait, hindi ba't engagement ni Josh? Sa tantya ko, gabi na. Ano na kayang nangyayari sa kanya? Wala pa din akong balita sa kanya. Kung ano mang desisyon niya, sana maging masaya siya.


"We're happy for you, bes." sabay na sabi ni Trixy at Rachel, sabay din nila akong bineso at iniwan dito sa harap ng mahabang hagdan.


OH. MY. GOD.


What in the world is happening?


Nafreeze ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa mga nakangiting tao sa baba ng hagdan. At doon sa mismong dulo, naghihintay siya.. naghihintay sa pagbaba ko si Josh. Nakasuit siya at nakangiting nakatingin sa akin, napansin kong may hawak siyang mic. Omygosh! Akala ko ba engagement party niya ngayon? Ibig sabihin ba nito.. ibig sabihin.. kami ang magpapakasal?! KAMI?!


Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon