Seventeen

233K 2.2K 36
                                    




"Oh! You're here pala Aliyah."





Hindi. Wala ako dito. Picture ko lang 'to. Sarap sanang sagutin. Tss.





"Hi, Alison!" I smiled to her. A fake smile.





She smiled back. But I know its fake too. Duh!





"Why are you here pala?" she asked me.





SHE ASKED ME. I should be the one who asked her that question.





"Why? Got a problem with that?" her eyebrow raised. Mukhang di niya inaasahan ang sagot ko. Di ko talaga maiwasang magmaldita pag andyan siya. "Haha, joke! I just wanna be with Josh since wala naman akong ginagawa. E ikaw? Why are you here?" bait-baitan kong tanong.





"I just.. uhm, dropped by to give him this." inabot niya ang red na tshirt kay Josh na ngayon ay katabi ko na. "Thank you." dagdag niya.




Napatingin ako sa tshirt na inabot ni Alison. Bakit nasa kanya ang tshirt ni Josh? At talagang alam niya itong condo ha? Ha! Paanong nangyaring alam niya? Nagtatakang tinignan ko si Josh. Parang nag-aalangan naman siyang sabihin sa akin kung anong nangyayari.





"I have to go. Bye guys! Salamat ulit sa pagpapahiram ng tshirt, Josh." she said before walking out the door. Parang pinarinig niya talaga sa akin yung pagpapahiram ni Josh ng tshirt sa kanya. That bitch!





Umupo ako ng nakahalukipkip sa sofa. Tumabi naman sa akin si Josh.





"Anong pinagsasabi 'nun?" kunot-noo kong tanong. "Bakit nasa kanya ang tshirt mo?" bakas sa boses ko ang galit.




Galit ako! Alam kong mababaw pero wala akong pake. Una sa lahat, pinagamit ni Josh ang tshirt niya kay Alison? Sa EX niya?!





"Uhh.. nabasa kasi siya kaya pinahiram ko muna siya ng shirt." parang may kung ano sa boses niya. Di ko matukoy.






"Paano niya nalaman ang condo mo?"





"H-Ha?" nabigla ko ata siya sa tanong ko.





"You heard me Josh. How?"





"Uhm... sinama ko siya dito--"




"SINAMA?!" napataas talaga ang boses ko. Bakit parang wala naman siyang nababanggit sa akin tungkol dun?





"Wait babe, listen. Ganito kasi 'yun, me and my friends hang-out, then Alison asked us if she could come. I didnt answer, my friends did. Tapos pumunta kami sa mall--"





"Bakit hindi ko alam 'yan?!"





"Wait! Im clarifying things okay? Just listen. As I was saying, pumunta kami sa mall. Then Alison accidentally bumped by a girl tapos natapunan siya ng juice. So dahil ako lang ang close niya sa aming lahat, I felt like she was my obligation. Sabi niya, pahiramin ko nalang daw siya ng tshirt. Ang sabi ko wala akong dala, sabi niya dalhin ko nalang siya sa condo ko. Di na ako nakaangal dahil hinila niya ako papunta sa parking para umuwi dito." diretso ang tingin niya sa mata ko. Alam kong totoo ng sinasabi niya dahil nararamdaman ko 'yon.





That girl!! Pwede naman siyang bumili nalang ng damit para makapagpalit! Ha! At talagang pinilit niya si Josh umuwi sa condo nito para malaman niya! She's getting into my nerves! Im afraid to see her, baka mahila ko ng di oras ang buhok niya hanggang sa malagas ito.




Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon