New Start

354 13 3
                                    

Stephanie's POV

"Feel at home,guys.Dito na rin naman kayo titira for the-"Naputulan ako sa sasabihin ko kasi kumportableng-komportable na ang mga loko.

Si V nakaharap na sa computer at nagsusurf na.Si Jimin nangungulit na kasama ni J-Hope,si Namjoon naman naninira na ng gamit at si Suga naman nakahiga na sa sofa.

"Seriously..."Napabuntong hininga ako.Ang kukulit talaga ng mga 'to.Buti pa si Jin.Wait,ano nga bang ginagawa niya?

Hinanap ko ang 'Nanay' ng group hanggang sa mapadpad ako sa kusina.At tumpak!Nagluluto na si 'Mommy Jin'.

"Sabi na nga ba eh,May hinahanda nanaman si 'Mommy Jin!'"Sabi ko at napatawa nalang sa gulat na reaksyon ni Jin.

"Ikaw pala Steph.Pasensya na,sigurado akong nanggugulo nanaman ang mga loko dun.Hayaan mo,tatapusin ko lang muna 'to at kakausapin sila"Sabi sa akin ni Jin habang nagluluto parin.Napatawa naman ako at sinabi,

"Hayaan mo sila,sigurado akong pagod yung mga 'yun."

"Mahirap parin kasing tanggapin..."Narinig kong bulong niya kaya napasimangot ako.

"I'm sorry...Alam kong mahirap...dahil sakin napahamak si Jungkook at nawalan pa kayo ng career..."Sabi ko at di ko na napigilan yung luha ko.

"Shh...Sorry Steph,di ka namin sinisisi.I'm sorry,di ko dapat sinabi 'yon.Wala kang kasalanan,okay?"Sabi sakin ni Jin na ngayon ay nasa tabi ko na.Tumingin ako sakanya at pumilit ngumiti.

"Salamat...Sorry,nagiging pabigat pa ako sa inyo..."Sabi ko at tumawa nalang.Ngumiti naman siya at nagpatuloy na sa pagluluto.

"Kung tutuusin,kami nga ang pabigat eh...Pero salamat kasi kung wala ka,siguradong gugulo lang ang buhay ni Kookie lalo"Sabi ni Jin kaya napangiti ako.

"Masaya ako na kayo ang mga naging kaibigan ni Jungkook..."Sabi ko at alam kong nakangiti ngayon si Jin.

"La pa bang pagkain,gutom na kami!"Biglang sulpot nila Jimin at J-Hope kaya napatawa ako.

"Hoy!Eh kung tumulong kaya kayo!Siguradong nangugulo nanaman kayo diyan noh!"Biglang pagalit ni Jin sa dalawang mokong.Napakamot sila ng ulo at kumuha na ng mga utensils at gamit na kailangan para makakain na kami.

Tumayo na ako at nagtimpla ng juice.Nakakahiya naman kung sila lang lahat ang gagawa noh.

"The meals ready!!"Sigaw ko ng malakas para marinig nilang lahat.At akalain mo nga naman,parang mga hayop na ginutom ang dating nila.Takbo agad papuntang dining room.Seryoso,di ko naman sila ginutom ah.

"Sa wakas!Makakakain narin!"Sigaw ni V at akmang kukuha na ng pagkain pero hinawi ko kaagad ang kamay niya.

"Sampalin talaga kita!Kim TaeHyung!Tulungan niyo akong gisingin si Jungkook!"Sigaw ko sa kanila.Napatahimik tuloy silang lahat.Huh?Problema?

"Oh bakit?Nakalimutan niyo na na inuwi na natin siya kahapon?"Tanong ko sa kanila pero wala paring umimik.Napapansin kong nag eeye-contact silang lahat kaya medyo naasar ako.Hanggang sa magsalita si Jimin.

"U-Uhhmm...Steph,gusto sana namin na ikaw ang unang niyang makita paggising niya.Baka sa ganong paraan,maka-alala agad si Kookie"

"Huh?...B-Bakit ako...?"tanong ko and just my luck na halatang takot ako.

Ayoko...pagkatapos ng mga nagawa ko sa kanya?Ako pa ang ihaharap nila?No,please...I don't want to lose my sanity yet...

"Please,Steph...We're just thinking what's the best...Alam nating lahat na ikaw ang pinakamahalagang tao para kay Kookie,kahit itanggi mo pa iyon.Please...Gusto naming ikaw ang una niyang makita.."Sabi saki  ni Namjoon.Tumingin ako sa kanila isa-isa,bakas sa mukha nila ang lungkot at alam kong mahirap ang desisyon na iyon.

Huminga ako ng malalim at pinigilang tumulo ang luha ko.

"Fine,I'll do it...kung iyon ang makakabuti para kay Jungkook..."Sabi ko at napabuntong hininga silang lahat.

"And one more thing,I just thought of this right now pero...di na tayo pwedeng gumamit ng kahit anong gadgets...no internet,anything that will connect us to social media is now forbidden..."Sabi bigla ni Namjoon.Nagtinginan naman kaming lahat.Seryoso...walang kahit ano??Umm,sorry hirap nun ah.

"No!!!My cellphone!"Dramang-drama ni J-Hope at hinalik halikan pa ang cell phone niya.Inilabas din nung lima yung gadgets nila at nilagay sa gitna ng table.

"Di pwedeng malaman ni Kookie ang dating Career niya,siguradong magtatanong siya ng magtatanong at mas-stress lang siya..."sabi ni Suga na alam na alam naming lahat.

"Hay nako...pasalamat ka Kookie at mahal na mahal kita kasi di ko talaga kayang walang internet for so long..."Sabi ni Jimin.

"Kahit ito ang napakahalagang bagay sakin...kahit isuko ko na ang panonood ng anime...kung para kay Kookie,bahala na..."Sabi ni V.

"Paalam na media..."simpleng sabi ni Suga.

"ARMY kahit di ko na alam ang mangyayari sa inyo,panghabang buhay ko kayong tatandaan...goodbye Anime too..."Sabi ni Jin.

"Paalam!My life!"Maiyak-iyak na sabi ni J-Hope.

"This is nothing if it means protecting Jungkook..."Sabi ni Namjoon pero halatang mahirap din para sakanya.Hello?!Wala na kaming alam sa mundo niyan!

"GOODBYE ARMY!!WE WILL NEVER FORGET YOU FOR THE REST OF OUR LIVES!MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO!!"Sabay-sabay nilang sigaw sabay balibag ng mga cellphone nila sa basurahan.

Seryoso?!Ugh!Para kay Jungkook!Sige mawala na lahat!

"Fine,my career,my life.I don't care.It's nothing kumpara sa mga sinakripisyo mo para sakin Jungkook.Ikaw rin ang pinakamahalagang tao sa buhay ko..."Sabi ko sabay tapon ng mamahalin kong cellphone.

"Jeon Jungkook!Pasalamat ka talaga kasi ang babait namin!"Sigaw ni Jimin kaya nagtawanan nalang kaming lahat.

"Starting this day!Ignorante na tayo sa mundo!"Sigaw ni J-Hope na sinangayunan naming lahat.

"Steph..."sambit nila ng pangalan ko.Tumango naman ako at dahan-dahan na umakyat sa kwarto kung saan namin nilagay si Jungkook.

Bawat hakbang ko,para akong sinasakal.After all I did,di ko alam kung paano ko pa haharapin si Jungkook.Siya yung nandiyan para sakin nung times na ang dami kong problema.Siya yung gumabay sakin nung naga-audition palang kami.Siya yung nag comfort sa akin nung hindi ako nakuha sa first audution ko.Heck!Muntik niya pang isakripisyo ang pangarap niya para sakin nung panahon na 'yon.Siya yung naging daan sa pagsikat ko.All my life siya halos ang bumuhay sakin.Siya lahat...At ngayon,sinakripisyo niya ang lahat ng mayroon siya para lang sa akin.Ang hina ko naman.So pathetic.Lagi nalang akong nagiging pabigat.At siya pa lagi ang naiistorbo ko.Siya nalang lagi ang "Knight in shining armor" ko.

Don't worry,Jeon Jungkook.This time,ako naman ang magsasakripisyo para sayo...

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ni Jungkook.Handa na para sa worst na maririnig at makikita ko.

"Jeon Jungkook?"Tawag ko dahil wala na siya sa kama.

Then I heard the sentence that made my world shatter,

"Sino ka?"

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~

Maikli.Siguro sa mga susunod pa na chapters tsaka pa hahaba.Hahaha,wala pa akong maisip eh.Baka di rin ako ganoon kadalas mag update dahil sa dami ng on-going stories ko.Kasalanan ng utak ko na ang daming naiisip na twist.Anyway,sana nagustuhan niyo.Please Read Vote & Comment.

-KookieLover.

The Lost Boy(BTS Fanfic-Jungkook Love Story)TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon