I'm Jeon Jungkook?

352 16 0
                                    

Jungkook's POV

'Please,bumalik ka na...'

Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto.Lahat ay Red,and somehow nagustuhan ko ang kulay na iyon.

Umupo ako pero agad na napahiga sa sobrang sakit ng ulo ko.Agad akong kumapit sa lamesa na nasa tabi ng kama na hinihigaan ko.

Aray,anong bang nangyayari?

At dun ko lang napagtanto na hindi ko alam kung nasaan ako...o kung sino man ako...

Wala akong maalala,wala akong makitang pamilyar,lahat ay kakaiba.Ano 'to?Anong nangyari?Sino ako?Nasaan ako?

I need answers...

Nung nagsubside ang sakit ng ulo ko,dahan-dahan akong tumayo at tumingin sa paligid.Bukod sa red halos ang buong kwarto.Lahat ng gamit ay maayos na nakalagay sa kani-kanilang pwesto.Ang kwarto ay napakalinis.

Napansin ko rin ang isang shelf,lumapit ako doon at pinagmasdan ang mga litrato.May pitong lalaki na mga nakangiti at naka-akbay sa isa't-isa.At ang iba naman ay picture ng isang lalaki at magandang babae.Laging malaki and ngiti nila parehas at sa hindi malamang dahilan,napangiti rin ako.Tinignan ko pa ang ibang litrato at laging nandoon ang lalaking kasama nung pito at nung babae.

Sino kaya siya?Siguro sakanya 'tong kwarto...

Napatingin ako sa kaliwa ko...salamin...May salamin...

Pero di iyon ang ikinagulat ko...Ako yung lalaki na 'yon.Yung laging mga nasa litrato.Ako yung laging nakangiti kapag kasama yung babae...

Ako yun...

Biglang bumukas ang pintuan at tumambad sa harapan ko ang isang babae.Pero di ko kayang di mapansin na siya ang babaeng lagi kong kasama sa mga litrato.

"Jeon Jungkook?"tawag niya.

Jeon Jungkook?Yun ba ang pangalan ko?Ako ba ang tinatawag niya?

Agad na akong nagsalita para malaman ko na rin ang nangyayari.Bakit wala akong maalala at alam kong kayang saguting ng babaeng ito ang mga katanungan ko.

"Sino ka?"Sabi ko habang papalapit sa babae na hanggang ngayon ay nakatingin pa sa ibang bagay.

Pagharap na pagharap niya.Agad na napahinto and aking mga galaw.Kahit paghinga o pagtibok ng puso ko ay tumigil.I was mesmerized by her beauty...

Di ko napansin na nakatulala lang pala ako sakanya hanggang sa bigla nalang siyang umiyak ng walang pasabi.

W-what?!

Di ko alam kung anong gagawin ko pero ang instincts ko na ang gumana at agad ko siyang niyakap.Di ko alam kung bakit ko ginawa 'yon pero parang ito ang tamang gawin ngayon.Nararamdaman ko ang bawat hagulgol niya kaya hinigpitan ko lang ang yakap sakanya...At ang pagyakap palang sakanya ang tanging pamilyar na bagay sa akin...

Sino ba siya?Bakit lagi ko siyang kasama sa mga litrato?Bakit ganito ang pakiramdam ko sakanya?

"I...I'm s-sorry...I'm so sorry Jungkook...Di ko sinasadya...patawarin mo ako..."Bulong niya at medyo naguluhan ako.Ibig sabihin ako talaga yung Jeon Jungkook na sinasabi niya?

Dahan-dahan ko siyang binitawan at lumayo ng kaunti sakanya.Pero agad kong naramdaman ang lamig ng hangin nung binitawan ko siya.

"Di ko alam kung anong ginawa mong kasalanan sa akin...di ko rin alam kung ako ba talaga ang tinatawag mong Jungkook...kaya please explain everything..."Sabi ko sakanya.Sumimangot siya at halatang nahihirapan siyang pigilan ang mga luhang tuloy tuloy sa paglabas sa mata niya.Siguro dapat ko muna siyang bigyan ng time?Pero kailangan ko rin malaman kung anong nangyayari sa sarili ko...

The Lost Boy(BTS Fanfic-Jungkook Love Story)TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon