Random pictures nila dean at francine
---------------------------------------------
CHAPTER 13FRANCINE POV
Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nung nagsabi si dean na manliligaw siya sakin parang dati lang hindi niya ako kilala tapos ngayon nanliligaw na siya sakin hays ang saya ko super as in to the highest level.
At ang mas masaya pa 3weeks nalang debut kona kaya ayun tinatanong na ako nila mommy kung ano bang gusto ko sa birthday ko hay nako magtatanong sila tapos si mommy din naman ang bahala hindi naman papakinggan suggestion ko tsk.
Ito namang mga kaibigan ko hindi ko malaman kung ano bang mga problema si gale hindi na madalas sumabay samin kasi busy sus busy busy baka may nililihim ito naman si elaine hindi ko alam kung anong nangyayari hays.
Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama si dean ayaw na kasi sumabay nila samin eh kailangan daw namin magsolo tsk grabe naman sila hindi naman sila pinagbabawalan sumama eh tsk.
"Francine may problema ba?" tanong sakin ni dean
"Ha? Wala ah. Pano mo naman nasabi?" sagot ko naman sknya
"Kasi hindi mo pa nagagalaw yung pagkain mo" hays oo nga wala kasi akong gana kakaisip sa kung anong nangyayari sa mga kaibigan ko i really need to confront them both tsk.
"Ha sorry wala lang akong gana ngayon" sagot ko naman sabay tango.
"Bakit anong problema?" tanong naman niya sakin
"Ah wala wala naman hehe tara kain na lang tayo wag mo ng isipin yun" sabi ko naman sakin ayun nga kumain nlng kami kahit hindi ko trip kumain ngayon pinilit ko nlng ubusin.
After naming kumain ni dean pabalik na kami ng room naglalakad kami ngayon sa hallway ng nagsalita si dean.
"Ah francine" lumingon naman ako sknya.
"Hmmm?" sagot ko naman
"Tutal friday naman ngayon pwde ba kitang yayaing lumabas bukas?" tanong sakin ni dean napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Ha? Oo naman pwde sige" sagot ko naman sknya at ngumiti ako syempre hihi.
"Sige oh nandito na tayo sa room niyo bye" ay hindi ko namalayan nasa room na pala kami tsk.
"Sige bye" paalam ko din at pumasok na ako sa room nakita ko naman si gale na busing busy kakatext sa phone niya while si elaine naman is tahimik lang sa isang tabi nakasubsub sa desk niya.
"Woooooooh!!!! Walang prof" nagulat kami sa pagsigaw ng classmate namin.
"Yey, uwian na woooh" sagot naman ng iba, tsk wala na namang professor ba naman yan sayang effort naming pumasok ito pa naman na ang last subject namin.
tinext ko muna si dean para sabihin sknyang wla kaming prof.
TO: Dean My Loves ❤️
Dean. Wala kaming prof. hindi pumasok- SMS Sent -
Buzz! Buzz!
From: Dean My Loves ❤️
Ayy. talaga? kami din wala eh puntahan na kita diyan hatid na kita pauwi.TO: Dean My Loves ❤️
Ok. Hintayin na lang kita.- SMS Sent -
Inaayos kona muna yung mga gamit ko hindi ko na muna kokonfrontahin tong mga kaibigan ko tska na lang kapag handa na silang sabihin sakin kung bakit sila nagkakaganyan.
"Mga Bish, Uwe na ako ha ingat" paalam ni gale.
"Ako din uuwe na ingat kayo" paalam din ni elaine tsk diba ang weird nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Together, Forever!
Teen Fiction- Pogi? (Check) - Mabango? (Check) - Matangkad? (Check) - Singkit? (Check) - Rich? (Check) - may abs? (Check) *evil grin* "You will be mine soon Dean Stefan Garcia" - Francine Mae Ocampo.