Chapter 26

38 5 0
                                    

Chapter  26: Memories

Aziret's POV

"Dalian mo Ret, paparating na yon!"

Namadali ako ng sumigaw na si Eusette. Hindi ko kasi kaklase si Kurt pero crush na crush ko talaga siya. As in superb!! 

"Teka ano ba isususlat ko wala ako maisip. Nagpapanic ako!" Aligaga ko ding sigaw pabalik kay Eusette. 

"Edi kung ano yung nararamdaman mo. Diba yun naman purpose ng love letter?" 

Napabuntong hininga ako. Gusto ko kasing sulatan ng love letter si Kurt, gusto ko lang ipaalam sa kanya yung nararamdaman ko. Malay mo, same feelings pala kami  torpe lang pala siya. 

Tumango ako kay Eusette at nagsimula ng magsulat. 

Dear Kurt.

"Mahal kita bes ah, pero ano yan? Dear charo lang? Pangit!!! Kung ako makakatanggap ng ganyang letter tatapon ko kaagad yan. Walang dating." Asuyang asuyang saad ni Eusette, wow frenny thanks sa support. I appreciate. Tss.

"Oh edi ikaw magsulat." Iniabot ko sa kanya yung papel.

"Joke lang eto naman gg agad. Pero seryoso ganyan ka talaga magsisimula? Korny talaga e. Promise. Alam mo ba nung sinulatan ako ng letter ni Michael nung umamin siya sakin. Ay nako, introduction palang pamatay na. Ganon ang pagsulat bes. Hindi ganyan." 

Napairap ako sakanya. Edi siya na may lablayp. Napakaswerte naman kasi nitong babaeng 'to, crush siya ng crush niya. Sana ako din. Balita sa campus na may ka MU na si Kurt pero still hoping pa din ako. MU lang naman sila e, maaagaw pa yon. Malay mo magbago ihip ng hangin. 

Magsyota nga naghihiwalay, mag MU pa kaya? Pero sino nga kaya yung ka MU ni Kurt? Hindi ko pa siya nakikilala. Sana mas maganda ako para kahit papano, lumakas lakas naman loob ko. 

Pinunit ko yung papel na sinulatan ko at muli na namang nagsulat pero this time sa sticky note na lang. 

I like your smile, your vibe, your style. But I love you because your being you. You're my kurt onne  sy, and that's why I love you. -Az

Napangiti ako sa nasulat ko. Masaya na ako diyan.

"Nandiyan na siyaaaaa!" sigaw ni Eusette mula sa pinto. Dinikit ko agad yung sticky note sa upuan niya at saka kami lumabas gamit yung back door. 

"Ano nakasulat ka ba?"

"Oo. Kaya lang medj korny." nanghihinayang kong saad. Pero siguro ganoon naman talaga kapag inlove ka. Nagiging korny. 

"Ok na yan. Ang importante na express mo na feelings mo! Good job." Nagthumbs up pa sakin si Eusette na para bang sobrang accomplishment nung ginawa ko. 

Bago kami tuluyang umalis, sinilip muna namin este ko si Kurt sa loob ng room nila at laking gulat ko ng makita siyang napangiti sa sticky note ko! Omygaaash! Kinilig siya?!! 

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" sigaw ko habang nagtatalon sa tuwa. 

"BAKIT!?"

"Nakita mo ba yon, beshi?! Nabasa ni Kurt yung letter ko tas napangiti siya. Napangiti!!! Omyg." nagtatalon pa din ako. 

"Sus. Hindi porket napangiti crush ka na din. Aalam niya bang ikaw yon? Puro k nga lang sinasabi nun sayo e." supportive talaga ni Eusette. Ibang klase! Sarap patayin. 

"Thankyou ha." Sarcastic kong saad. 

"Welcome." Aniya at saka ngumiti sakin. Tss. 

Crush... notice me senpai! Char. Sana naman maisip mong ako yung nagkakagusto sayo. Sana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon