Sorry po ngayon lang nakapag pdate. nawalan po kasi ng net AJUJUJUJU TT_TT by the way dedicated ito sa kanya dahil naiinspired niya talaga ako. so here's the update hope you like it.
Chapter 13.2 ×Bakit kaya? ×
Nakatingin lang samin ni Nolth ang lahat ng estudyante. Samantalang kami ni Nolth? Eto nagtitigan din. Una sa lahat, mahirap bawiin yung rumor na kumalat na kami ‘daw’ dahil sa pisting picture na ‘to. Ikalawa, mahuhuli kaming nag cutting. Pangatlo, PDA. At ang huli, ANG LOVELIFE KO!!! Pano na si Crush? Pano na? Magseselos yun for sure!
Hay. Sino niloko ko? Ikukwento ko na lang yung sa pagong -.- Si crush? Magseselos? Tch, puputi na ang buhok ko lahat lahat samantalang si crush? Ayun masaya parin sa feeling ng kanyang labidoods =.=
“Patay.” Pabulong na sambit ni Nolth.
Aish, naiinis ako. Naawa ako kay Not-not, alam ko kasi kung gaano niya kinaiingatan ang pangalan niya. Para galangin naman siya bilang VP.
Huminga ako ng malalim at.. “ANNOUNCEMENT! ANG LITATRONG NAKIKITA NINYO AY AKO ANG MAY SALA. HINDI NAMAN KASI NAMIN ALAM NA MAY KUKUHA SAMIN NG PICTURE. ALAM NIYO NAMAN ANG MGA MAGKAKAIBIGAN DIBA? HINDI NILA BINIBIGYAN NG KUNG ANU-ANO ANG SIMPLENG BAGAY. KAYA INUULIT KO PO WALA PO KAMING GINAGAWANG MASAMA. AT YUNG CUTTING? AKO PO ANG NAGYAYA NUN. NAINIS KASI AKO BABAGSAK KASI AKO SA CHEMISTRY KAYA NIYAYA KO SI NOT-NOT MAG SHAKE. PRAMIS! WALA SIYANG SALA.” Sunod-sunod kong sambit.
Nakita kong nabaling sakin ang lahat ng attention ng mga ka schoolmate ko. Miski si Nolth nagulat. Magaling kasi akong magsinungaling… kapag kailangan na kailangan.
“Bakit mo ginawa yun? Hindi naman pangalan ko ang pinoprotektahan ko kundi ikaw. Ikaw ang gusto kong protektahan.” Sabi niya sabay ngiti.
Y-yung n-ngiti niya nanamang---
“ANNOUCEMENT! SORRY FOR LYING. OO WALA KAMING RELASYON NI RET-RET PERO… AKO ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT KAMI NAG CUTTING. MAIINTINDIHAN KO KUNG MAGAGALIT KAYO SAKIN. PERO PLEASE! WAG KAY RET RET.” Sabi niya sabay ngiti.
Halos lahat yata ng babae natulala ng ngumiti siya. Psh, landi talaga -.- Tapos yung mga lalaki nagsabi naman ng ‘naiintindihan ka namin tol!’ ‘naks binata na!’. Hayy, sabi ko nga hinding hindi mawawala ang tiwala nila kay Not-not . nagsinungaling pa tuloy aketch =.=
“Aziret! Nolth! What’s the denotation of these?!” mataray na sigaw ng babaeng --- Oh Gadh! Ang princEpal este principal namin. Lagot!
“Ma’am…”
“GO TO GUIDANCE ROOM NOW!”
Nanaman?! Hindi naman nila ako masiyadong paborito dalhin sa guidance room noh? Pansin ko lang naman. 2 beses sa isang araw? Cool.
“Hinahanap na tayo ng bahay mo” bulong ni Nolth sabay tawa ng mahina.
“Thank you ah. Nahiya naman ako sa speech mo kanina na proprotektahan ako.” Sabi ko sabay pektus sa kanya.
Hay. Ang buhay ko nga naman -.-
***
“Aziret! Ano yung picture at cutting? Explain it.”
Eh? Ako talaga mag e-explain? Hindi naman obvious sa mantandang principal namin na may favoritism siya noh? -.-
“M2M.” walang gana kong sambit. Hirap kayang mag explain.
“M2M?!”
“Many2Mention Ma’am.” Sabi ko.
Oh alam ko iniisip niyo. Iniisip niyo na masama akong nilalang, pero magagawa ko? Mahirap kaya mag explain. Isama mo na yung fact na alam naman nating kahit mag explain ka sila parin ang TAMA at ikaw parin ang MALI. -.-
BINABASA MO ANG
Crush
Teen FictionWhat's crush? 1.) hinahangaan lang. 2.) attention lang ang habol. 3.) wala lang cute lang kasi. What is the foremost motive of having a CRUSH?--- Want to know what is the motive of crush ? --> Then let's read the st...