Chapter 7

990 28 7
                                    

AN: silent readers, uso magparamdam. pwease?

Chapter 7 × Game: Hubby and Wifey ×

*Kulbit* *Kulbit*

“Hmm?” tanong niya pagkatapos ko siyang kulbitin.

“Ano..eh..yung tungkol dun sa sinabi mo sa akin—“

Hindi niya ako pinatapos, argh! Bad person! Di maalam sa manners >.<

“yun ba? Wag mo na lang seryosohin yun.” Sabi niya at tuluyan na ngang umalis sa harapan ko.

Argh, nakaasar na ah! Pang ilang attempt ko na sakanya nito pero lagi niya na lang ako iniiwasan. Psh. Kung dineretso niya na lang kasi yung sinasabi niya edi sana di na ako nahirapan itindihin -.-

Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari ng Hands On.

And yes, nagsinungaling ako sa beshi ko. Di ko kasi alam pano ikukwento yun. Baka sabihin nun baliw ako, kaya mas okay na yung palusot ko ^.^

**FLASHBACK**

"Aziret we need to talk."

hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para iwan si Crush at sumama agad kay Nolth. err, ano bang meron? ang lakas ng pintig ng puso ko.

"Aziret" "N-nolth" sabay naming sabi. gee, nakakadalawa na siyang tawag sa akin ng Aziret.. eh? nakaka..nakaka.. nakakapanibago?

"sige 'kaw na mauna." sabay nanaman naming sabi.

"sige ako na." sabi niya kaya tinignan ko na lang siya, pero ewan ko ba napaiwas agad ako ng tingin ng makitang nagtama ang mga mata namin. may mali eh.. may mali talaga.

“Aziret alam mo ba kung bakit maraming tao ang namamatay sa maling akala.”

0.0 muntikan na ako mapatawa, yun nga lang naalala kong seryoso pala si Nolth.

“Oo o Hindi.” Tanong(?) niya, eh. di yata maalam si Nolth sa paglalagay ng question mark pag nagtatanong -.-

“Hi-hindi?” tanong kong sagot with matching utal-utal pa ‘yan ah. Oh ano san ka pa!

“Kasi, ang maling akala ay parang pag a-assume” may binulong siya pero di ko narinig, bulong nga eh -.- “Yung feeling na akala mo pwede na, pero di pa pala.

“Anong connect nun sa nakamamatay.” Okay, nakalimutan ni Aziret mag lagay ng question mark -.- kung walang nakapansin, oh ayan nabasa niyo na.

“Pain.”  Sabi niya at umalis na sa harapan ko.

**END OF FLASHBACK**

SEE?! Sabi ko naman sa inyo hindi kaintindi-intindi ang pinagsasabi nung lalaking yun -.- tapos bigla-bigla na lang umiiwas, it’s been a week pero eto iniiwasan niya parin ako, hindi na niya ako binabati. Ni text wala.

Hay,

I Miss my bestprend, I miss Nolth.

**

“Okay groupings tayo para sa activity. 6 persons per group, simple lang naman ang activity natin ngayon. Kailangan niyo lang i-acting yung mabubunot na salita mula sa box, tapos bubunot kayo ng group na manghuhula. kung sino ang unang makakuha ng 20 points siya at ang group niya ay excepted sa quiz natin.”

May mga ilang nagreklamo at sinabing Unfair daw yun. May iba namang pabor. Pero ako etey, wapakels xD.

De joke. May pake naman ako, pero di ko lang magawang mag focus. Ewan ko pero bini-big deal ko talaga yung pang-iiwas na ginagawa sa akin ni Nolth. Masakit eh... Masakit talaga...

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon