Chapter 22

215 18 2
                                    

Okay! eto na guys ang update ko. Haha! Help niyo ko promote tong story na to at yung bago ko. Okay? Hihi ♡ PLITH?

---
Aziret Jin's POV

Dialing Besprend...

"Hello..." matamlay kong saad ng sagutin niya ang tawag ko.

"Aziret? okay ka na ba? kilala mo ba ako--"

"Kyle, kilala kita...kayo. Pagpapanggap lang 'yun."

"WHATDA?! BAKIT NAMAN---"

"Kita tayo sa yearly68. Bye." and then I hung up.

Hindi ko matanggap.

Yan ang dahilan kung bakit nagpanggap akong wala akong kilala. Fortunately, may ganoon sakit naman pala kaya in the end nakalusot ako.

Pero seriously, ang hirap pala no? Ang hirap marinig ng buong katotohanan. Ang hirap mag adjust. Ang hirap talaga...

---

"Aziret tama na. Baka malasing ka." pagpigil sakin ni Kyle.

Pinanlisikan ko siya ng mata, "Tang'na Kyle! SI ADRIAN AT KURT IISA. Anong gusto mong gawin ko? magdiwang? Ha. Dalawang katauhan kyle e. Dalawa. Pero pareho ko paring minahal. Hindi ba masyadong nakakatanga?"

"Dalawa mang katauhan, Ret. Iisang tao pa din." aniya

"Pero ang sakit-sakit!" sabi ko sabay iyak.

"Shhh. Wag ka ng umiyak, Ret. Ikaw may gusto niyan. Ilang beses ko binalak sabihin sayong mahal kita pero bingi ka e. Wala kang ibang naririnig kundi ang pangalan nung Kurt na yun. Ikaw ang maykasalan Ret... ikaw ang nagpapahirap sa buhay mo."

Tinignan ko siyang ma-igi, "Mahal mo parin ba ako ngayon?"

Tumawa siya, "Kung hindi ang sagot hindi ako mahihirapan ng ganto."

Natameme ako. All this time wala akong ibang inisip kundi si Kurt. Pano niya ako mapapansin. Pano niya ako mamahalin. Pano siya magiging akin. Selfish na kung selfish pero mahal ko e. Gaya na lang ng pagmamahal ko kay Adrian noon... masyadong nakakatanga.

*FLASHBACK*

"Ang boring naman ng araw na 'to. Walang cartoons. Tapos ang lakas lakas pa ng ulan."

Tinignan ni Aziret si Caisey na kasalukuyang nagda-drama.

"Edi laro na lang tayo dito sa loob ng bahay."

"Ano namang lalaro natin dito Retski?"

"Kasal-kasalan." sabi ni Aziret sabay ngiti.

Tinignan nilang dalawa si Adrian. Sabay na sabay.

"Bakit?" inosente nitong tanong pero bakas pa din ang pagkasungit.

"Groom kita!" sigaw ni Caisey.

Napatingin na lang si Aziret kay Adrian at Caisey. Gusto niya din sanang maging groom si Adrian kaso naunahan siya. Ayaw niya pa naman ding nang-aagaw. Kaya hinayaan niya lang.

"Ah. Ako ang groom ko si Nolth a?" sabi na lang ni Aziret sabay ngiti. Sa totoo lang, masakit para sa kanya na hindi makasal kay Adrian pero anong magagawa niya? Wala naman diba?

"E sinong pari?" sabi naman ni Nolth.

"Si Bernie na lang." sabi naman ni Caisey.

Si Bernie ang teddy bear na binigay ni adrian kay Caisey. Kaya kahit saan siya magtungo ay dala dala niya to.

"Okay." saad nito.

"Sigurado kabang ayaw mo ko maging groom mo?  Mas gwapo ako kay Nolth."  Sabi ni adrian kay Aziret.

"Ayaw ko nga. Pangit ka e! Dun ka na lang kay Caisey." -Aziret

Sa totoo lang, gusto niya talaga. Pero alam niyang masasaktan ang kaibigan niya kapag pumayag siya.

"Okay. Sabi mo yan a. Wag ka ng lalapit sakin hindi na tayo bat---"

"Hindi man ako ang bride mo. Okay lang yun! Sigurado naman akong makakatuluyan mo ako hanggang huli e." sabi nito sabay takbo.

Nang makalayo na ito sa mga kaibigan niya ay umiyak ito ng umiyak, "Pero pano ako ang makakatuluyan mo kung di naman ako ang bride mo?  Pano mo makikitang ako ang magiging sayo kundi ka na sakin nakatangin? Adrian... hindi ba pwedeng ipaglaban mo ko? sabihin mong ako ang gusto mong maging bride at di siya?"

Pinunasan niya ang luha niya at ngumiti, "pero bakit mo nga pala yun gagawin? Ako ba ang gusto mo? Ay oo nga pala, Caisey nga pala ang pangalan ng gusto mo. Hindi aziret."

*End of Flashback*

"Bakit umiiyak ka nanaman?" nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Kyle.

"May naalala lang kasi ako noon."

"Past is past, Ret. kung nagawa mo ngang kalimutan na naging kaibigan mo noon si caisey at kung anong itsura nila ni Kurt. Bakit hindi mo ulit gawing kalimutan sila ngayon?"

"Ang hirap kasi... Noon nakalimutan ko sila dahil may nangyari."

"Kaya mo yan kaya nga nandito ako diba?" aniya sabay ngiti.

Pinunasan ko ang luha ko, "Sana ikaw na lang ang minahal ko."

At bigla na lamang naglapat ang mga labi namin. Isang halik ang naganap. Halik na nagpabago sa ikot ng buhay ko----namin.

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon