"Kyle..."
banggit ko sa pangalan niya matapos ang 'halik' thingy. sht! Ano bang katangahan ang naisip ko at ginawa ko yun?
Ngumiti siya, "nabigla ka lang. Alam ko. Hanggang ngayon naman si Adrian este Kurt pa din diba? Sino ba naman ako para palitan siya?"
"Kyle naman!"
"Alam mo, Ret. Wag ka maging mabait masyado... nakakasakit e. nakakafall."
"Kyle, I'm sorry. Oo, nagulat lang siguro ako ngayon pero look, susubukan ko naman e. Pag-aaralan ko."
Umiling siya sakin na lalong kina guilty ko, "Stop saying those words,Ret. Susubukan? Ha. Patawa ka, pano mo yun gagawin?Kung hanggang ngayon siya pa din.."
"Kaya nga susubok di ba?"
"Ikaw bahala... Ikaw lang naman manloloko sa sarili mo. Halika na, iuuwi na kita."
At kagaya nga ng sinabi niya ay inuwi niya na ako. Awts. Paano ako aamin sa pamilya ko na nagsinungaling ako? Laking gulo to pagnagkataon. Aish! Aziret, bat ang tanga mo?
"Ingat ka. Kita nalang tayo bukas." sabi ni Kyle sabay halik sa noo ko.
Hay... bakit kasi hindi na lang siya? Ang tanga naman ng puso ko! Nakikidamay sa katangahan ng utak ko. Pisti lang.
"Anak, san ka galing? Gabi na? Okay ka lang---"
"Okay lang po ako ma. Mauna na ako."
"Naalala mo na ba kami?"
Tinignan ko siya, "Oo ma. Naalala ko na."
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagkulong. Bakit ganun? Ang gulo na ng mundo ko! Nakakaasar.
BUGSSSSH*
Napatingin ako sa bintana ng may narinig akong bumabato. pisting kapitbahay! Nangti-trip pa yata.
"Aling---Kurt?"
Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba o totoo. Pero parang totoo e
"Baba." aniya.
Tinignan ko lang siya, hindi ma process ng utak ko kung totoo siya. Like hello? Gabi na diba? At sa pagkakaalam ko... galit siya sakin.
"Baba." pag-ulit niya.
Hindi ko alam kung anong nag udyok sakin pero sinunod ko siya. Kinakabahan ako. Paano kung sabihan niya na naman ako ng masasakit na salita? kakayanin ko pa ba?
"Ma, papahangin lang." sabi ko kay mama ng makita niya akong pababa.
Pagkatapos ko magpaalam ay dumeretso na ako sa lugar kung saan ko nakita si Kurt. At tignan niyo naman, totoo siya. Hindi ilusyon.
"Bakit?" poker face kong tanong. pero sa totoo lang kinakabahan ako.
"Sinungaling ka."
Napaiwas ako ng tingin, "pumunta ka lang dito para sabihin yan? sana tinext mo na lang."
Iniiwasan kong magbuckle pero nanginginig talaga ang labi ko. Kinakabahan talaga ako.
"Tss. Ang galing mo talaga magsinungaling. Bilib na ako sayo"
Napaismid ako sa sinabi niya, "Wow kurt. Sinong mas magaling magsinungaling satin? Ikaw pala si adrian.. pero ano?! Anong ginawa mo?! Patay malisya? tadu."
Nagagalit ako pero hindi galit na galit. Hindi ko kaya...masyado syang mahalaga sakin.
"Pwede ba kahit ngayon lang..."
"Ang an--"
Napatigil ako. Nawala galit ko. Naiyak ako. Tae! Bat mo ba ako niyayakap Kurt?! Nakakainis. Nawala ako sa sarili.
"Ano ba Kurt?!" sabi ko sabay kalas ng yakap.
"Wag kang mag-alala. Bukas babalik na ulit ang lahat... magbabayad ka pa." aniya sabay ngiti.
"pero ngayon hayaan mo munang makausap ko si Aziret na nakilala ko noon. Yung batang Aziret."
"Epyu, Kurt! Tigilan mo ako."
"Mahalaga ka sakin noon. Alam mo ba yun?"
Pinikit ko ang mata ko. bakit niya ba to sinasabi sakin? Nakakairita.
"Wala akong paki..."
"Alam ko. Ganun din ako sayo ngayon."
Tinignan ko siya, ang gulo niya. Bakit hindi ko siya magets?
"H-ha?"
"Nagbago na ang lahat satin, Aziret. So for the last time. Pwede ba kitang mayakap? Goodbye hug perhaps?"
"For what?"
"Dahil simula bukas... Hindi na ako ang kilala mong adrian o kurt." aniya sabay yakap sakin ng mahigpit.
Pilit kong kinalas yung yakap niya sakin at nung di ko matanggal sinabi ko na yung matagal ko ng iniisip: "Kurt... kilala ba talaga kita? Alam ko hindi e. Kasi kahit na kailan hindi mo ko hinayaang makilala. I hate myself, alam mo yun? Kasi kahit hindi kita kilala minamahal parin kita."
Tinanggal niya yung yakap niya mula sakin kaya napapunas kaagad ako ng luha. Sht! Ayoko ng ganto! Madrama masyado.
"OTP, Aziret. OTP.." sabi niya sabay kiss sa noo ko.
Magre-react na sana ako ng bigla niya akong ngitian ng mapakla, "Mangyayari ang dapat mangyari. Umakyat ka na, princess. Magpahinga ka. Dahil bukas, makikilala mo na ang monster na sisira sayo..."
BINABASA MO ANG
Crush
Teen FictionWhat's crush? 1.) hinahangaan lang. 2.) attention lang ang habol. 3.) wala lang cute lang kasi. What is the foremost motive of having a CRUSH?--- Want to know what is the motive of crush ? --> Then let's read the st...