Chapter 15

529 28 9
                                    

Chapter 15 ×Nang dahil sa mood swings×

“Uy, ate. May problema ka ba kay kuya?”

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Jinx! Bat kasi ako nagbanggit nang pangalan. Anubayan! -.- totoo nga ang kasabihan na masama daw ang magbanggit nang pangalan lalo na sa maraming tao. Okay, di siya mukhang kasabihan. At bakit ang daldal ko sa utak ko ngayon? Well, kagaya nga ng sabi ulit nila sa dinami-dami daw man ng sinasabi ko ngayon pustahan tayo wala ‘tong patutunguhan.-___________-‘’

“ATE! Haloooww! May kausap pa ba ako? Yohooo! Tao ka pa ba? Ako kasi tao pa ako. Ikaw? Moo-moo ka na ba? Sisigaw na ba ako? ANO, ATE ANO?!”

“QUIET PLEASE?!” sigaw naman nung librarian kay Nikka. OA naman pala kasi tong si Nikka -.- natulala lang sandali itanong ba naman ba agad kung tao pa ako? Like hello? Humihinga pa ako. Nag so-sona pa nga ako sa utak ko eh.

“Quiet? Quiet po?! Natulala yung tutor-an ko tas quiet?! Pano kung moo-moo na to? Ano? Tutunganga lang ako? Hahayaan ko siyang maging ganyan? Ha?ha?ha? sige nga.” Sona naman din nitong si Nikka.

Okay, story po nila to give them a time. Woshooo xD Lalim men! Ingles yun mga pards.

“Miss…?”

“Sorry ateng librarian, hindi kita nami-miss.” Sabi ni Nikka sabay kuhay sa kamay ko then walk out. Woah! Taray men. ASTIG!

Pagkatapos ako hilahin ni Nikka eh tumigil din naman kami sa may garden. Pinagmamasdan ko lang siya, siguro kung ganito din kami ka close ni KurtmyLabs siguro ako na yung pinakamasayang babae sa buong mundo.

“Wag mo nga ako pagnasahan ate ret! Hindi ako si kuya.” Sabi niya sabay ngiti sakin ng mala anghel. Okay? Nahiya naman ako. >////< grabiti! Ang prangka niya naman. SOBRAAAA!

“Ha? H-hindi kaya kita pinagnanasahan tsaka ano namang connect dun ng kuya mo?”

“Sows. Lagi namang ganun eh. Kaya nga ang dami kong friend dahil sa gusto nilang mapalapit kay kuya, kaya aminin mo na. Gusto mo din si kuya hindi ba?” sabi niya sabay ngiti ulit. Pero kahit nakangiti na siya bakas parin sa mukha niya yung lungkot. Bat ganon? Nahihirapan ba siya sa sitwasyon niya?

Nginitian ko din siya at pinaharap siya sakin. “Alam mo… hindi kita naiintindihan. As in wala akong nage-gets sa mga kinikilos mo. pero kahit ganon?  Ramdam kong nalulungkot ka. Bakit? Sa tingin mo ba kinaibigan ka ng iba mong kaibigan ng dahil lang sa kuya mo? eh ano ngayon kung sikat ang kuya mo, president ng school, gwapo, talented, magaling mag basketball. Ano naman? Napaka bipolar naman niyang tao tapos ubod pa ng sungit pag nasa mood siyang mag sungit. Ang gulo kaya ng kuya mo sobr—“

“Eh bakit ang dami mong alam kay kuya, ate?” sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Ay loka din tong babaeng to eh. Nabibisto ako (_ _’’) “Tsaka alam kong bipolar na tao si kuya, pero ng dahil don maraming nagkakagusto sa kanya at ginagamit ako. Nakakainis nga eh. Sa mata ng mga magulang ko siya ang perfect at ako ang pagkakamali.”

Nakaramdam ako ng lungkot sa mga sinasabi niya. Bakit ganun? Bakit parang walang paki si Kurt kay Nikka? Bat parang mas mahalaga pa si Caisey kaysa sa kapatid niya? Ohkay payn. Di ako bitter ha? Na se-sense ko lang NAMAN. >:)

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon