What's crush?
1.) hinahangaan lang.
2.) attention lang ang habol.
3.) wala lang cute lang kasi.
What is the foremost motive of having a CRUSH?--- Want to know what is the motive of crush ? --> Then let's read the st...
Naglalakad lang ako sa hallway nang marinig ko yung mga 'bulungan' nila na kulang na lang isigaw na. Tss, inaano ko ba sila? Mga palakang 'to.
"Azireeeeeet!"
Napatigil ako ng bigla akong niyakap ni Nolth. O---KAY?
"A-ah? Nasa school po tayo, baka ma PDA---"
"Wala akong paki. Namiss kita, sobra."
Napangiti ako at niyakap na din siya. Oo, matagal din akong hindi nakapasok ng matino dahil sa mga kadramahan ng buhay ko. Kaya nga sobrang nagtataka ako ng may marinig na naman akong tsismis sa buhay ko. Like, ako malandi? Tss.
Kung malandi talaga ako edi sana kami na ni Kurt ngayon di ba?
Minsan talaga nakakatanga sila. Kaazar.
"Ano 'to muling ibalik?"
Napatigil kami ni Nolth sa pagyayakapan nang marinig namin ang isang pamilyar na boses. Si eusette.
Tinignan ko sya ng mapang-asar at ngumiti, "Bakit, di mo ba ako yayakapin kahit alam kong miss na miss mo ko?
"Tss." Saad nya sabay iyak. "Nakakainis ka, palagi mo kong pinag-aalala. Tas sinungaling ka pa! IHATEYOU. Di ko alam pano kita naging bestfriend!"
"Sapaw ka Eusette! Nakita mong tsinatsansingan ko si Aziret e. Sexy nya na ngayon di na sa baboy. Oink!" Saad naman ni Nolth.
Binatukan ko sya ng malakas, "BASTOS!"
"Atleast gwapo. *wink*"
Napailing na lang ako. It used to be like this. Simpleng araw, walang mala telenovelang drama. Walang iyakan. Happy lang.
"So may mini reunion tas wala ang bestfriend ni Aziret? Tss. Nakakatampo po *pout*"
Napatigil kami sa pagkukulitan ng dumating si kyle.
Tinignan ko lang sya at ganon din naman sya sakin. So, bat ang awkward?
"*Kru kru kru*" saad ni Nolth at Eusette.
Tinignan ko sila sabay baling kay Kyle. Magsasalita na sana ako ng bigla nya din akong niyakap. O---KAY? Ang dami ng nanantsing sakin ngayon. Tsaka bat ba to yumayakap? Magkasama naman kami kahapon ah? Nagkiss pa nga---shit.
"Wuy! Bat ka ba yumayakap." sabi ko sa kanya pero di pa rin nya ako pinapakawalan. Tsinatsansingan nga kaya nila ako? Omaygaaaaaad. Wats happening to da world?!
BAKIT NAGKALAT ANG MANYAKIS SA PILIPINAS?! NAKO TATAWAGAN KO TALAGA SI DUTERTE AT IPAPATAY KO MGA MANYAK NA KAIBIGAN KO.
"Akala ko kasi, magbabago na ang lahat dahil hinalikan kita--"
"NAGKISS KAYO?!" Sabay na saad ni Nolth at Eusette.
Okay, malandi na nga ako siguro. Lupa kainin mo na ako. Now na ASAP! Huhubells.
"A-ano. A-ahm. Bugso nang damdamin, masyadong mapusok hindi napigilan!" saad ko.
WAIT WHAT DID I JUST SAID?
Nagtawanan silang dalawa tas inasar asar na kami ni Kyle.
"Ang init, alis na ako bye!" sabi ko sabay alis kaya lang pinigilan ako nung tatlo.
"Kami na lang aalis ni Kyle, Az. Baka hindi mo na naman mapigilan at pati ako mahalikan mo. Mahirap na, HOT kami." ani ni Nolth sabay kindat.
Binatukan ko silang tatlo at sumimangot, "Mga urur. Bala kayo."
"De joke lang bessy, kaw naman." sabi naman ni Eusette sabay yakap.
Nginitian ko na lang sila at naglakad na kami papunta sa kanya-kanya naming classroom.
So far, so good. Everything seems "normal" naman. Para bang back to start ulit kami. Ang saya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"WOAH." sabay sabay naming saad ng makita ang isang bouquet ng blue rose with teddy bear sa upuan ko.
"Kanino galing?"
Hindi ko na maalala kung sino yung nagtanong. Masyadong nabaling ng bulaklak at teddy bear ang atensyon ko.
Ang ganda ng mga bulaklak, masyadong fresh. Tapos ang cute pa ng teddy bear.
Kinuha ko yung teddy bear at bulaklak tapos inamoy-amoy to. Ang bango, shemaaay. Narealize kong hindi pala sya ordinary blue rose. Parang gawa sya sa sabon. Ang cool.
Nagulat ako ng biglang may umagaw sakin ng teddy at flowers. WHATDAHECK?
"Ay sorry, nakilapag lang ako, uminom kasi ako ng tubig sa fountain. Ay wait, bat ako magsosorry sayo? Hindi ko naman kasalanan na magfeeling kang sayo to diba?" saad nya sabay ngiti ng mapang-asar.
Tinignan ko lang sya maigi. Napatigil ako. Hindi ko alam kung may sense sya o wala. Nakakaasar.
Lumapit siya sakin, "sa susunod kasi, wag assumera." saad nya sabay alis.
Nagtawanan ang mga kaklase ko. At ako? Eto nagmukhang tanga.
Seryoso? Eto na ba yung ganti nya o simula pa lang?
Bakit ka ba ganyan...kurt?
Ang hirap mo namang mahalin.
-----
UD: AYAN NA, HUHUH SORRY. NAGULAT KASI AKO NG MAY NAGMESSAGE SAKIN SO YEAH. AYAN NA :)