Chapter 25

126 10 7
                                    

Author's note: Yey! Nakarating na tayo ng chapter 25. Chapter 25 na talaga siya, eto na talaga. Matatapos na konting kembot na lang. Naappreciate ko yung mga nagbabasa neto kahit napabayaan ko na siya. So comment kayo at vote ha? Para ma-meet ko kayo. Tagal ko na kasing di nag WP. I want to know you.

So yeah this chapter is full of drama and hugot.

---

Nagsimula tayo sa gusto kita at gusto mo siya.

Matatapos din ba tayo sa ganun?

Tinitignan ko yung likod mo habang naglalakad ka palayo sakin. I wonder, masaya ka kaya? Masaya ka kayang nasaktan mo na naman ako?

Napayuko na lang ako sa sakit na nararamdaman ko.

I wanna be your "miss na kita kausap" in this world full of "shut up ka nalang"

I want to be your only bibeh in this world full of tatlong bibeh

Pero alam kong hindi pwede kasi hindi naman ako si Casey. At kahit anong gawin ko, hindi ako magiging siya.

Sino ba ako? Ah. Yung taong mahal ka pero tangina hindi mo mahal. Oo, ako nga 'yun walang duda.

"Aziret?" Napatigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano ng bigla akong kalabitin ni Eusette.

Nginitian ko siya at tinanguan as if cue-ing her na ayos lang ako...

...More of kaya ko pa 'to.

Nagsimula na ang klase, normal lang naman lahat. Para bang walang nangyari kanina. Siguro biruan lang ang nangyari sa paningin nila.

Biruan, huh.

Kung alam lang nila.

"Aziret, pinapatawag ka sa office"sabi ng kaklase ko

Tumango ako sa kanya at dumiretso na papunta sa office.

Every steps that I took is breathtaking. Hindi ko alam kung bakit. Pero I pakoramdam ko may masamang mangyayari o baka napaparanoid lang ako since ngayon lang ako napatawag sa office.

Nang makarating ako sa office ay hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Nanlaki ang mata ko at para akong naistatwa.

Tang ina, anong ginagawa niya dito?

Nginitian niya ako ng makita ako. And I think my heart skipped a beat. Woah, wats dat?

Bago pa ako makapagreact ay napatingin na sakin yung principal at ngumiti din.

Okay? Kailangan ba nilang ipamukha na colgate yung toothpaste nila tas ako close up? Tss.

"Aziret, Kurt. Pinatawag ko kayo dito dahil siyempre ikaw Kurt ay qualified for Valedictorian and ikaw naman aziret ang pinaka mababa ngayon dahil sa mga absences mo. That's why I want Kurt to be your tutor until maka cope up ka sa mga namiss mong lessons."

Nanlaki ang mata ko at nagpintig ang tainga ko sa narinig. What the hell?

"Okay lang naman yon sayo Kurt di ba?"

"Yes Ma'am" saad nito sabay ngiti.

Patay na. Gusto ko lang naman ng mapayapang buhay pero bat hindi ako napagbigyan. Jusko day!

"So yun lang, maari na kayong magsimula" saad ni Maam sabay ngiti.

Lumabas kami ng office ng tahimik. A moment of silence everyone.

Kru kru kru.

Kung kanina nabibingi ako sa narinig ko mula sa teacher namin ngayon naman nabibingi ako sa katahimikan. Jusko baka mamaya matuluyan ako neto.

"Library"

"Ay tae!" Saad ko ng magulat sa pagsasalita ni Kurt.

Tinanguan ko siya at sinundan. Pero kung suswertihin nga naman, nandito rin si Casey.

Wow, reunion ba ng cast sa buhay ko ngayon? Tatalunin pa yata nito ang once in a lifetime reunion ng cast ng high school musical.

Umupo kami ni Kurt sa bakanteng upuan sa library at sa sobrang swerte namin, katabi lang nun yung upuan nina Casey.

Gad lupa, lamunin mo na ako. Now naaa!

"Like what I've said earlier, why hurt a girl you begged to be with in the first place?" May pag emphasize na sabi ni Casey.

Gusto ko sanang sumigaw ng burn at place a cold water to the burn area ng marealize kong ako may sala kaya nagkanda leshe leshe ang buhay nila.

Napangiti si Kurt, "Kagaya nga ng sinabi ko sayo kanina Aziret, You should ask yourself if it's love you feel." Tumigil siya at tumayo, "Do the lies no longer matter? Is the truth in your heart overpowering them? Love is always a risk. But sometimes it's worth it."

Napatigil ako at napalunok. Ang deep nun ah.

Pero... Nagusap pala kami kanina? Woah, di ako na orient.

So nagpaparinigan sila at nandito ako. At nakikitang nasasaktan yung taong mahal ko dahil sa kagagahang gawa ko. Kingina ang saya.

Nginitian ko si Kurt, "Para sakin pa ba yon?" Napaismid ako, "Ganitong ganito din ang senario dati ah. It was the words that I fell and in the end it was also the words that broke my heart."

"Kung mahal mo siya Casey, edi kunin mo siya. Pag mamay ari mo siya diba? Boyfriend mo siya diba? Kunin mo. Hindi siya sakin for petes sake. Bat nyo sinasaktan ang sarili niyo. Ako yung malandi dito diba? Tangina edi magsama kayo't mananahimik na ako. Ina nyo wala naman yan sa lessons na tinuturo ng teacher para idiscuss nyo. Wag kayong mag gaguhan dahil gagong gago na ako sa sarili ko. So please stop!" Dugtong ko sabay alis.

Minsan talaga kailangan mo na lang sumuko lalo na kung alam mong wal ka ng pinanghahawakan pa.

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon