EUSETTE SEOK
Lumipas na ang christmas party namin sa school pero wala pa ding Aziret na gumising. Nakakaimbyerna naman tong si Aziret e! Andami-dami nang nangyayari pero siya nakahiga pa din.
"Ako na po magbabantay tita. Magpahinga ka na po muna" sabi ko sabay ngiti.
Dito na kasi kami nagpalipas nina Nolth at mama ni Ret nang pasko. nakakapagtaka nga lang, walang Kurt na nagparamdam. Ano bang problema niya? di ba siya marunong makiramdam?
"Hindi na---"
"Tita naman! Hindi po matutuwa si Ret-ret kung paggising niya may sakit na kayo dahil kakabantay sa kanya."
Tinignan ako ni tita, "Oh sige. Basta tawagan mo agad ako kung may nangyari ah." tumango ako, "Siya nga pala... wala ka bang balak buksan yung regalo mo?"
Napaisip ako sa sinabi ni tita. Regalo ko? nabuksan ko na yung akin a?
"Ano pong regalo?" naguguluhan kong tanong.
"Eto oh. Nasa may bahay kasi kaya naisipan ko nang dalhin." aniya sabay bigay ng box.
Ngumiti na lang ako kay tita at nagpasalamat at hinayaang umalis na siya.
"Sorry?" Naguguluhan kong bigkas dun sa nakasulat sa box.
Binuksan ko yung box na binigay ni tita saakin at nabasa ang mga katagang to: "Patawadin mo sana ako." Tinanggal ko yung letter at nabigla ako sa nakita ko. Pictures nina Ret at Kurt!
Napangiti na lang ako sa sarili ko, mukhang nagkamali si tita. Mukhang para sa anak niya to.
Binalik ko na lang ang dating ayos ng box at inilagay ito sa tabi ni beshi.
"Aziret! Gumising ka na nga diyan. May regalo sayo si Prince charming mo. Kaya gumising ka na utang na loob--- Oh my gadh!" Naputol ako sa pagsasalita ng biglang mapansing gumalaw yung hinliliit ni beshi.
Kaya dali-dali akong tumawag ng nurses at sinabi ang nangyari at thank god! Gising na daw siya.
***
Nolth Hoon
"Back off!" malamig na sambit ko kay Kurt. Ayoko nang masaktan pa si Aziret, Ayoko ng mapahamak pa ulit siya. AYOKO NA... lalo na ngayong alam kong alam na ni Eusette ang sekreto ni Kurt.
"Ayoko." Malamig na tugon niya din.
Umambang akong susuntukin ko siya pero dali-dali niya tong napigilan, "Namumuro ka na."
Napaismid ako, "Tama lang yan! Tarantado ka ka--"
"Hindi ako tarantado. Nadala lang ako ng emosyon ko dahil nasaktan ako, sa tingin mo ba ginusto ko yung nangyari? Kung oo, mukhang ikaw yata ang tarantado... Hindi lang pala tarantado kundi isa't kalahating gago."
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Pero ngayon ko lang siya nakitang ganito ka seryoso. Yung tipong parang wala talaga siyang kasalanan.
I smirked, "Gago? Parang ikaw hindi. Alam mo wala akong paki sa bawat sa sasabihin mo ang importante ay lumayo ka na kay Aziret!"
"Hindi ako lalayo." madiin niyang sambit.
"Anong dahilan?! para saktan ulit siya? Hindi na ako makakapayag pang gawin mo y--"
"Nagkakamali ka. Hindi ako lalayo dahil gusto ko..." Napanga-nga ako sa sinabi niya. Gago pala talaga siya e. "Gusto kong bumawi sa mga kasalanang nagawa ko sa kanya. Gusto kong pasayahin ulit siya. Gusto kong protektahan siya. Yun ang gusto ko."
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko pero mas nakaramdam ako ng takot. tang ina! Ano ba talagang nararamdaman mong hayop ka? Hindi na kita maintindihan.
"Ano bang... nararamdaman mo kay Aziret?" Nakayukong tanong ko.
"Hindi ko pa alam sa ngayon."
Hinarap ko siya, "Sasabihin mo bang mahal mo siya dahil iniwan ka na ni Caisey? O baka naman mamahalin mo na siya dahil mahal ka niya? Ganun ba ang plano mo?"
"Tang-ina Nolth! Kilala mo ako---"
"Yes. But that was before you hurt Aziret." pagputol ko sa kanya.
"Fine! Pero maniwaka ka sakin kahiy ngayon lang hindi ako ganun. Gusto ko lang makabawi dahil alam kong... Sobrang sakit ang naidulot ko sa kanya."
"Buti alam mo." bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya.
Magsasalita pa lang sana ulit siya ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello--"
"Gising na siya."
Biglang nanlaki ang mata ko sa narinig ko at tinignan kung sino ang tunawag. Si Eusette!
"Pupunta na ako." simpleng saad ko sabay baba ng tawag.
Tinignan ko muna ang kasama ko bago tuluyang umalis. Masakit man para sakin pero alam kong hindi ito ang tamang panahon para maging selfish.
Hinugot ko ang lahat ng lakas na mayroon ako at sinabing: "Gising na siya, Kurt."
Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang nakareact sa nangyari.
"Tara na." aniya at namamadaling lumabas ng café.
Tinignan ko siya habang naglalakad palayo, Sana... sana... hindi tama ang hinala ko sa nararamdaman mo, Kurt.
---
"Buksan mo na." tugon ko ng maabutan ko siyang hawak ang doorknob ng kwartong kinalalagyan ni Aziret.
"Pero---"
"Bilisan mo bago pa magbago isip ko."
Tumingin siya sakin at tumango sabay bukas ng pinto.
Sinundan ko siya at nakita si Aziret na pinalilibutan ng mga doctor.
"Anong problema?" sambit ko. Hinahanap ng mga mata ko si Eusette para magtanong pero hindi ko siya makita. Ano bang... problema?
"Aziret..." Mahinang tugon ni Kurt sabay lapit kay Ret.
Aawatin ko sana siya pero huli na ang lahat, nakalapit na siya kay Ret.
Tinignan siya ni Aziret at sinabi ang mga salitang hindi ko inaasahang marinig: "Sino ka po, kuya?"
****
An: Late update sorry
BINABASA MO ANG
Crush
Teen FictionWhat's crush? 1.) hinahangaan lang. 2.) attention lang ang habol. 3.) wala lang cute lang kasi. What is the foremost motive of having a CRUSH?--- Want to know what is the motive of crush ? --> Then let's read the st...