AN: Hindi naman ho kayo obligado na basahin yung bago kong story pero gusto ko siya ipromote. Pero ikokonekta ko na po tong story na to dun sa bago kong story na ang title ay "Let's just fall in love, again." nasainyo na po kung gusto niyo basahin. pero para masaya, read niyo na rin. HAHAHA :3
DEDICATED KAY: KYLANATHALIE :3
---
Nolth's Hoon POV
"Sino ka po, kuya?"
Nagulat ako... lalo na si Kurt sa sinabi ni Aziret. Teka nga, ano bang nangyayari?
"Pasensya na kung ganyan ang nangyari. Maaaring na shock pa siya ng husto kung kaya't hindi siya kaagad makaalala." sabi nung babaeng doctor.
"Ganun ho ba? mabuti naman ganun lang ang nangyari. Mga hanggang kailan ho kaya tatagal ang pagka shock ni Ret?" tanong ko.
"Actually, magkakaroon tayo ng problema diyan. Halos wala siyang maalala sa nangyayari she thinks she's only 10 years old." pagpapaliwanag nito.
"Anong ibig niyong sabihin?" gigil na gigil na saad ni Kurt. nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
Akala ko ba nakokonsensya lang siya? akala ko ba wala siyang paki? Akala ko ba... tang ina talaga! Hindi dapat maging tama ang iniisip ko. hindi talaga dapat.
"Ibig sabihin wala siyang naaalala na kahit na ano o sino na nag e-exist sa buhay niya simula nung 11 years old sya hanggang ngayon." sabi naman ng isang doktor.
"Kung ganoon, may tsansang kilala niya ako?" tanong ko.
"Kung kilala ka na niya nung 10 years old pa siya."
Tumango ako at lumapit kay Ret. Please, ret! Alalahanin mo ako. Hindi ko kaya kung mawawala ka.
"Ret-ret... kilala mo ba ako?" sabi ko ng makalapit na ako kay Ret.
Tinignan niya ako ng mabuti, "Not-not? Bakit ang laki mo na?" nakapout niyang saad.
Napangiti ako at biglang napayakap sa kanya. Kilala niya ako!
"Ikaw din naman e." sabi ko sabay tawa.
"Awt. Can't breathe Nolth!" aniya.
Napabitaw naman ako ng yakap, "Pasensya naman. Natuwa lang."
"Bakit? May joke ba akong sinabi?" sabi niya.
Tumawa ako, naalala ko tuloy ang batang Ret. Gantong-ganto siya magsalita tuwing tinatawanan ko siya.
"Not... asan na si Adrian? sabi niya bibili niya ko tsoko-tsoko!" nagmamaktol niyang saad.
Napatingin ako kay Kurt. kung totoo mang ikaw nga si adrian? Anong plano mo?
"Patay na siya."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kurt, anong sinasabi niya? Baka maapektuhan si Ret! At pano naman niyang nasabing patay na si Adrian?
"H-ha? Anong ibig mong sabihin kuya?" mangiyak ngiyak na sabi ni Ret.
"Patay. Na. Siya."
"Panong... patay?"
"You let him die, remember?"
Natulala ako sandali. Anong you let him die? anong nangyayari? Tang-ina! naguguluhan na talaga ako.
***
3rd Person's POV
Nakatulala lang si Nolth, Ret at Kurt. Ano nga bang nangyayari? Anong meron? Paanong namatay si Adrian? More of paano nalaman ni Kurt na patay na si Adrian? O baka naman gawa gawa niya lang 'to. Magulo ang nangyayari hanggang dumating si Eusette.
"Oh my gadh! beshiiii, gising ka na?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan
Tinignan niya lang ito, "Patay na si... Adrian" ang tanging saad ni Ret.
"Ha?"
Umiling na lang siya, "Wala. Pahinga na muna ako."
Hindi na lamang umimik sina Eusette at pinagbigyan ang kagustuhan ng kaibigan. kahit magulo ang sitwasyon ay wala itong nagawa kundi sumang-ayon na lamang.
"Kuyang naka black... Pwede ba kitang makausap?" saad niya bago tuluyang makalabas si Kurt.
Tumingin muna si Kurt kina Nolth at nagpasyang magpaiwan.
Gulong gulo man sina Eusette lalo na si Nolth ay inisip niya na lang na para ito sa babaeng minamahal... pero ang hindi niya maintindihan, may kung anong kaba ang bumabalot sa pagkatao niya. Kung ano yun? Wala rin siyang ideya.
"Bakit?" seryosong tanong ni Kurt ng sila na lang ni Ret ang tao sa loob.
"Totoo ba yung sinasabi mo? at sino ka ba?!" May diin na tanong ni Aziret.
Hindi man maipaliwanag ni Kurt pero may kung anong bumalot na sakit sa puso niya. Pakiramdam niya'y nabato siya ng isang matulis na bato.
"Ako? Ako si Kurt Sy. Ang taong minahal mo noon, ngayon, at patuloy mong mamahalin. Alalahanin mo sana."
Natulala si Ret. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng binata. Ni hindi niya nga alam kung ano bang mahal ang tinutukoy nito? After all, she knows she's only 10 years old. Anong malay niya sa pagmamahal?
"Anong sinasabi mo?" gulong gulo niyang tanong, "NASAAN SI ADRIAN? NASAN NA SIYA? NANGAKO SIYA SAKING HINDI NIYA KO IIWAN. NANGAKO SIYANG IBIBILI NIYA LANG AKO NG TSOKO-TSOKO. NANGAKO SIYANG BABALIK SIYA PAGKATAPOS. NANGAKO SIYA!"
Ngumiti ang binata, "Aziret" kinilabutan siya ng marinig niya ang pangalan niya. Pakiramdam niya'y ngayon lang niya narinig ang pagtawag na yun kahit na madalas naman tong pantawag sa kanya.
"...nakalimutan mo yata ang sinabi ko, You let him die. Kaya hindi siya nakabalik."
"HINDI YAN TOTOO! HINDI KO HAHAYAANG MAMATAY ANG KAIBIGAN KO!"
"Totoo yan, pero hindi mo siya pinatay physically. you let him die because you push him to others kaya't wag ka ng magtaka kung bakit wala na siya ngayon sa piling mo."
"KAANO ANO MO BA SI ADRIAN?! PANO MO NASABING PINAGTULAKAN KO SIYA?"
" 'Hindi na siya makakabalik pa Not. Alam ko paglaki pa natin nang kaunti magiging gf niya daw si Caisey. Alam ko yung gf, parang yung kina mommy. Magiging ganun sila! Ang galing noh? Ako nagsabi niyon kina tita' " pagpapaalala ni Kurt sa sinabi daw noon ni Ret.
Pumikit ito at inalala. True! She said that, pero anong malay niya? akala niya... masaya doon si Adrian. Sa piling ni Caisey.
"You let him die being Adrian na kaibigan ni Retsy. Hinayaan mo siyang patayin ang nararamdaman niya para sayo. Pinagtabuyan mo siya. Nilayuan na parang may sakit na nakakahawa. Tapos ngayon ano? Babalik ka sakanya? Kung kailan niya na natutuhang mahalin si caisey? kung kailan baliwala ka na lang sa kanya? Dammit, Ret! Masata na siya, bakit babalik ka na naman? Hindi ba masyadong nakakatanga na? And for you to know, Yes.. he's alive. Pero hindi bilang Adrian kundi bilang kurt sy. Ang taong minahal mo noon, ngayon, at patuloy mong mamahalin. And this time, You'll regret everything."

BINABASA MO ANG
Crush
Подростковая литератураWhat's crush? 1.) hinahangaan lang. 2.) attention lang ang habol. 3.) wala lang cute lang kasi. What is the foremost motive of having a CRUSH?--- Want to know what is the motive of crush ? --> Then let's read the st...