Chapter 18

330 23 9
                                    

Sorry po sa napakatagal na di pag-update, tinamad po kasi ako. Bawi na lang po ako ngayon :D anyway plug lang po! 

UNCONDITIONAL LOVE new story ko ;) Thank you :*

---

Chapter 18 ×Masakit!×

"Ano meron? Bakit ang tahimik mo yata? Uy, beshi! wala ka bang balak ikwento about you and Kurt?! Loka ka, hindi mo man lang ako sinabihan na siya pala kasama mo dun sa exchange gift, buti na lang may nakakita sa inyo kaya na update ako! Ikaw huh? So ano ngang meron?" tuloy tuloy lang na pagkakasabi ni Eusette.

Ni recall ko lahat nang nangyari. AS IN LAHAT.Mula sa kilig  chu chu hanggang sa kiss part. Leche, ang awkward po nun! Langya naman e, kung kalian magiging okay na kami tsaka pa naudlot? Ugh.

"WALA!" simpleng saad ko pero medyo pasigaw sa kanya.

"Ay? Bad mood? Ganun? Ano ngang nangyari?"

"Mamaya ko na lang ikukwento. pagod ako." sabi ko sabay diretso takbo sa kwarto ko.

Pagka-akyat ko sa kwarto umikot ikot na ako at nag tambling tambling na pero wala pa din. Hindi parin ako makaget over at higit sa lahat hindi ako makatulog, kaya in the end nagbukas na lang ako ng FB.

168 LIKES?!

Nagulat ako sa nakita ko. Oh darn! Yung picture nga pala namin ni CRUSH! enebe, Kinilig tuloy ako. PERO NO! hindi dapat, kailangan ko na 'tong tanggalin dahil baka mamaya makita pa ito ni crush at magalit sakin. Turn off yun pagnagkataon!

Pero bago ko pa I-delete yung picture nagulat ako sa mga comments na nabasa ko. Comments ng mga mahahalagang tao sa kwento ng buhay ko.

Nolth Hoon: Nice Ret-ret, natanggihan lang kita ng isang beses ganito na? Nice talaga...

Kyle Pogi: Ayos to, ako yung UB ako yung huli?

Caisey (RealAcct): Yiee...<3

Napatigil ako. Tulala. Bangag, at kung anu-ano pang reaction ang makakapagpatunay na nawala ako sa sarili ko. Si caisey! Saklap naman. Oo nga, hindi siya nagalit pero alam ko. Alam kong nasaktan ko siya.

At dun naman sa side nila Kyle at Nolth, alam kong nagging selfish ako sakanila, pero di ba nila naisip na hindi ko ginusto to? Well sort of. Gusto ko yung kiss part, siyempre kiss yun e. Choosy pa ba ako? Pero yung mahuli sila sa balita? The heck naman. Mukha bang ganung klase akong nilalang?

"AGH! LICHI. ano nang gagawin ko? Malaking gulo 'to pag nagkataon. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila... lalo na sa kanya." sabi ko sa sarili ko.

Umikot lang ako nang umikot sa kwarto, pabalik-balik. Muntanga na ako dito! Pero kasi naman e, anong gagawin ko? Ano ang dapat kong gawin? 

A.) Magkukulong na lang sa kwarto for life hanggang mamatay ako.

B.) I-snob-in silang lahat 

C.) Pretend na walang nangyari

D.) DENY lang

E.) None of the above

Ayt! Bwisit na buhay 'to! Kahit saang anggulo ko tignan, wala talagaaaa. Ano ba naman bang pwede kong gawin? Lupa sa kwarto ko, lamunin mo na ako. Plith?

Huminga ako nang malalim at humiga sa kama. Doomed! Kamatayan ko na ba 'to? Kukunin na ba ako ng puting liwanag? Madami pa akong pangarap e! Asar.

"Nak, may bisita ka. " sabi nung boses ni mama sa kabilang kwarto. 

bisita? wala naman akong in-e-expect na bisita a. Lalo na sa panahon na natatanga na ako dahil sa problema ko.

"Ge, ma! Bababa na" matamlay kong pagkakasabi. 

Bumaba na ako at sa hindi inaasahan, mukhang may isang problema pang dadagdag! Nakita ko si Nikka (kapatid ni Kurt) ano ginagawa niya dito?

"Ate Ret!" sabi niya sabay yakap sakin. Umiiyak siya? Bakit?

"Anong nangyari?" sabi ko sabay himas sa likod niya. 

" Si kuya, ate! Nagwawala siya. Nag-away po kasi sila ni ate Caisey dahil...dahil...dahil... dun sa picture." nakatungong sabi niya.

Natulala ako sa sinabi niya. sabi na e, problema 'to! 

"Nikka! Dalhin mo ko sa inyo, kailangan ko makausap si Kurt." 

tumango naman si Nikka at inihanda na yung sasakyan nila! Ang yaman a? Sumakay na din naman agad kami sa sasakyan nila at nagpunta na sa bahay ng mga Sy! ANG LAKI!

"Ingat ka ate. Halimaw si kuya ngayon." sabi niya sabay akyat sa kwarto niya. Teka? Ako lang mag-isa ang kakausap kay Kurt?! 

*Gulp!

"Bakit ka nandito?!" nagulat ako sa boses na biglang lumitaw! Anak nang. Nakakatakot pala yung crush ko. 

"Kurt sandali lang! Gusto ko lang sana magpaliwanag."

"Hindi ko kailangan nang paliwanag mo! Nang dahil sayo nagalit sakin si Caisey!"

Napapikit ako sa lakas ng boses niya. Sinisigawan niya ako. Pero ang masaklap... nasasaktan ako kasi alam kong nasaktan ko siya. 

"Magpapaliwanag ako kay Caisey, Kurt!" nilakasan ko ang loob ko. Hindi ako dapat maduwag ngayon. 

"Para saan? Para saktan lalo siya? Alam mo Aziret, hindi ko alam kung saang lupalop ka nagmula at kung bakit mo pa kailangang pumasok sa buhay namin lalong lalo na sa buhay ko. Hindi ba dati, okay na yung hindi tayo nagpapansinan? Bakit kasi dumating ka pa? Sinira mo ang lahat Aziret. Sinira mo! Nakakatanga lang, alam mo ba pinipilit ko makipagkaibigan sayo alang-ala kay Nolth tapos ano? Eto mapapala ko? Nakakatanga talaga."

Kumirot yung puso ko sa narinig ko. Tama lang sakin to! Totoo naman lahat nang sinabi niya e. Ang sakit lang... dahil bawat salitang binibitawan niya sakin, totoo.

"Wala namang may gusto nung kiss, Kurt." nakatungo kong sabi.

"Sinungaling!" Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Sinungaling?

"Walang may gusto, Aziret?! Ha! Patawa ka. Pwede ka nang comedian alam mo 'yun? Alam ko namang gusto mo ako diba? Gusto mo nang halik ko?" Lumapit siya sakin at.... HINALIKAN AKO SA LIPS!? isang halik na ubod nang lakas. Walang patawad! Galit na galit. 

Teka, nahihirapan na ako huminga. Hindi parin siya tumitigil. ano bang problema niya?! 

"Oh, ano? Masaya ka na? Baka gusto mo din may mangyari satin? Alam mo bang bawat halik na binitawan ko ay sukang suka ako. Wala kang kwenta para sakin Aziret. Wa----"

*PAAAAAAAAK

"ANONG KARAPATAN MO GAGUHIN AKO!? PORKET NASAKTAN KA NIYA?! SIYA YUNG NANAKIT SAYO DIBA KURT?! SIYA! HINDI AKO. BAKIT SAKIN MO BINUBUNTOD? DAHIL SAKIN NAGSIMULA?! PUMUNTA AKO DITO PARA MAGPALIWANAG. HUMINGI NG SORRY. HINDI MABABOY NANG ISANG TULAD MO. OO GUSTO KITA! PERO HINDI TAMA NA GANITUHIN MO AKO! TAO AKO KURT. TAO! KAYA PASENSIYA NA KUNG HINDI AKO YUNG BABAENG GUSTO MO." 

Hindi ko na kinayanan pa at tumakbo na ako papalabas nang bahay nila. Halik? Damn that kiss. Binaboy niya ang pagkatao ko. Gusto ko siya e... pero bakit kailangan maging ganito?! Nakakainis. Ang sakit-sakit. 

Tumakbo lang ako nang tumakbo. wala akong paki kung saan ako mapadpad! GUSTO KO LUMAYO DITO. AYOKO NA! WALA NA AKONG MUKHANG MAIHAHARAP SA MAGULANG KO. Tangna! 

*BEEP*     *BEEP*

At ang huli ko na lang namalayan, nakahiga ako sa isang malamig na semento... duguan. 

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon