Chapter 19

300 17 5
                                    

TIME CHECK NANG I-UPDATE KO TO:  2:45 AM haha. pagpasensyahan a? :DD basahin niyo naman po yung UNCONDITIONAL LOVE. PLITH?

Chapter 19 xBOOMx

Eusette Seok

"Doc? Ano na 'hong balita? Magiging ayos po ba siya? Stable na po ba? Doc, magsalita ka naman! Wag mo akong titigan, matutunaw na akooooo!" 

"Teka lang 'ho, paano naman ako makakapagsalita kung puro ikaw yung nagsasalita? Ano ka ba nang patient?" sabi nung doktora sakin. Medyo napahiya ako dun sa una niyang sinabi a! Kasi naman e, nagpa-panic na kaya ako! 

"Best friend niya po ako!" sabi ko.

"Nasan ang magulang niya? Wala na bang ibang relatives na mas malapit?" tanong na naman nung doktora.

"Doc naman! Chismoso mo noh? Pwede mamaya na tayo magkwentuhan? Ano na bang balita sa bestfriend ko?" inis kong sabi. 

Umiling si Doktora, ay loka! Inilingan pa ako? Chismoso na nga ang sungit pa! 

"Hindi siya stable. Malala yung pagkabagok niya---"

"Ilang araw na lang doc?! Ilang araw?! O baka naman minuto---"

"TEKA LANG NGA PO! KANINA KA PA E, PATAPUSIN MO MUNA AKO. ANG O.A. MO NAMAN MAG-REACT!" napatahimik ako, O.A ba? Di naman e. Epal tong si Doc! 

"Okay, hindi pa siya stable ngayon, malala kasi yung pagkabagok niya kaya baka matagalan bago siya maging okay pero as soon as possible gagawan namin nang paraan para mapabilis. Okay na? So nasan na nga ang mga magulang?" mataray na saad nung doktora.

"Ang chismoso mo talaga doctora! Bukas pa makakadating dahil nasa ibang bansa dahil sa trabaho." sagot ko.

"So, ikaw yung nakatokang magbantay? Sige pumasok ka na sa loob." sabi nito sabay alis. Leche! Dami niyang alam, pasalamat siya doctor siya. Kundi baka patay na siya sakin. Rawr!

"Eusette? Anong nangyari?" aligagang sabi ni Nolth nang makarating siya dito sa hospital.

"Mamatay na daw bukas. Di nakayanan e, deadball. Iniwan niya na tayo." seryoso kong sabi.

"ANO?! NI HINDI PA NGA AKO NAKAKAPAGTAPAT NA MAHAL KO SIYA TAPOS MAWAWALA NA SIYA?! PUTANG INA! SINONG GUMAWA NITO KAY AZIRET?!" 

O.O <---- reaction ko. Nagmura si Nolth! Ay mas may malala pa pala. umamin si Nolth! Oh gadh! 

"Pft~ HAHAHAHAHAHA. Muntanga itsura mo Nolth! Hahaha. Hindi pa siya mamatay joke lang 'yun. Masamang damo 'yang si Aziret e. Hahaha, basta sabi nung masungit na doctor matatagalan daw bago siya makarecover pero okay na naman siya. Hahaha, ayiee. Mahal mo pala siya a?" sabi ko sabay sundot sundot sa tagiliran niya. 

"Tae mo! Pinakaba mo ako dun. Nakapagmura pa tuloy ako nang wala sa oras. E sino ba talaga may gawa nito?" sabi niya

"Malay ko, umuwi na kasi ako nung umakyat siya sa kwarto niya tapos... Ayt! Oo nga, ang tanga ko! Nakita ko kasi siya sa may di kalayuan sa bahay nina Kurt sabi kasi nung mama niya ako na daw sumundo dun sa babaitang 'yun dahil nga may aasikasuhin siya sa ibang bansa, sakto flight niya kanina nung naabutan ko nga 'tong duguan kaya ayan, wala siya." 

"Nasan si Kurt?!" nagwawalang tanong naman ni Nolth. hala ka! Ang ganda mo Aziret a. Bongga! May Kyle na may Nolth pa? Hihihi.

"Malay ko, mukha ba akong hanapan nang nawawalang Kurt?" sabi ko sakanya sabay irap. 

Alam kong masyado siyang nag-aalala kay Aziret kaya naman di ko na lang siya papatulan. Kailangan kong maging kalmado para kay Aziret, alam kong nagpa-panic na sila, at ayokong maging ganun din ako. Gusto ko maging malakas para sa bestfriend ko. Shet! Naiiyak ako. 

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon