Masarap kang magmasahe

614 3 0
                                    

Masarap kang magmasahe
Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing humahaplos ang iyong kamay sa aking balat
Pinapawi nito ang sakit, kirot at hapdi na aking nararamdaman.
Pinapalitan mo ito ng sarap, ginhawa at pagmamahal

Napaka sarap sa pakiramdam sa tuwing ako'y niyayapos mo,
Sa tuwing ako'y tinititigan mo,
Para akong sigarilyong nauupos.
Hinahanap hanap ang iyong haplos

Ngunit ako'y naguguluhan
Anong ibig sabihin ng iyong galaw?
Anong ibig sabihin ng iyong haplos,
Ng iyong ngiti at matatamis na salita?

Ano ba ang dala mo sa buhay ko?
Dulot mo ba'y bahaghari o dilubyo?
Ako'y sobrang gulong gulo
Ano bang ginawa ko sayo?

Gusto ko lamang malaman,
Manindigan ka naman
Kung ako ba o siya
Kasi kung ako, lalaban ako.

Pero hirap palang lumaban kung sa umpisa pa lang panalo na siya,
Kung ako lang 'tong nag iilusyon sa'ting dalawa.
Wag mo lang iparamdam na may pag asa pa
Ayokong sa huli ako lang din ang ngangawa

Pero sana bago ko man lang matapos itong piyesa,
Masabi ko ang mga bagay na itinago ko pa sa lungga;
Ikaw ang laman ng lahat ng aking tula
Na akin pang itinugma tugma

Masaya ako na nakilala kita at sa mga araw na nakasama kita.
Masarap kang magmasahe, giliw.
Nagugustuhan na kita at ako'y nalilito na.
Ano nga ba ako sayo?

POETRY: A Work Of HeartWhere stories live. Discover now