Ang Unang Kabanata - Pananaliksik

318 3 0
                                    

Naubos ang maghapon
Nakaupo sa may damuhan,
Nakamasid sa mga dumadaan
Nakikinig sa mga nagkukwentuhan

Nag iisip ng maaring maging paksa
Tungkol saan kaya?
Ano nga bang gusto kong malaman pa?
Hanggang sa mamataan kita

Ni hindi mo nga pansin na ako sayo'y nakatingin
At bakit ba para kang bituin sa aking paningin?
Ah! Alamin ko kaya ang epekto ng ngiti mo saakin?
O ang mga salik na nakakaapekto sa aking pagkahumaling?

Maaari ko din naman pag aralan kung paano ka mapapasaakin
O ang araw kung kailan ako'y iyong iibigin
Kaso masyado naman atang malalim

Pero isang bagay lang ang sigurado,
Ikaw ang paksa nitong puso ko

Uumpisahan ko sa unang kabanata,
Sisimulan sa kung paanong bigla nalang kitang nakita
At may pakiramdam nakong kakaiba
Inalam ang pangalan at kung saan kita maaaring makita

Kaso ang katotohanan na di ako ang iyong paksa
Ay ang pangunahing problema
Dahil lupa lang ako pero langit ka
Napakahirap mong abutin kaya pwedeng bang mahulog ka?

Pero magpapakilala ako,
Magpapapansin hanggang sa mapansin mo.
Para sa aking ipotesis na sa huli ay magugustuhan mo rin ako.
Dahil handa akong patunayan ang sarili ko.

Na kung gaano ka kahalaga sa mga magulang at kaibigan mo,
Maging sa mga taong nakapaligid sayo,
Ay doble pa sa pag aalagang kaya kong ibigay sayo
Dahil makita ko lang ang ngiti mo, panalo nako.

At huwag kang mag alala,
Alam ko ang saklaw at limitasyon ko
Makukuntento nalang muna sa mga nakaw na ngiti at tingin mula sayo
Dahil makakarating din ako sa pangalawang kabanata nito.

POETRY: A Work Of HeartWhere stories live. Discover now