Minsan lang ako iibig

257 2 0
                                    

Minsan lang ako iibig,
Ngunit paano kung sa minsan kong pag ibig,
Ayaw mo na?
Kung ika'y nanawa na sa paghihintay?
Alam ko hindi madali
Alam ko nakakapagod maghintay sa mga bagay na walang kasiguraduhan
Alam ko minsan masakit na.
Pero masisi mo ba ko?
Mistula bang kasalanan ang maghangad ng oras.
Oras para pag isipan ang isang desisyon na akin nanamang gagawin
Dapat mong maintindihan mahal,
Na bago mo hingin ang pagmamahal ko,
Kailangan mo munang malaman kung ba't ako takot.
Na kung bakit sa tuwing hahaplos ang "mahal kita" sa aking pandinig ay nakakapanindig balahibo na.
At ang dahilan kung bakit ko ikinulong at inilayo ang sarili,
Sa mga bagay na alam kong masasaktan lang ako
Kasabay ng pagkubli ko sa mga alaala ng kahapon
Kaya paumanhin mahal,
Kung masyado kitang pinahirapan
Kung masyado kong pinatagal
Patawad dahil ikaw itong nagdudusa
Minsan lang ako iibig.
At kapag ako umibig,
Sisiguraduhin kong, handa na ako.
Handang indain ang sakit at pait ng pag ibig
Pero ang pag ibig ay hindi lang tungkol sa dami ng iniyak mo,
Ito ay tungkol sa pagtanggap mo sa katotohanang, minsan mapanakit ang pag ibig,
Masakit kasi nagmamahal ka.
Kaya tanggap mo na sa kabila ng mga tuwa, galak at kaba,
Ay may karugtong na iyak, sakit at pait.
Minsan lang ako iibig kaya
Hintayin mo, mahal.

POETRY: A Work Of HeartWhere stories live. Discover now