Ilang Kanto

164 2 0
                                    

Sabay nanaman tayong umuwi,
Naupo tayo sa parte ng jeep sa paborito kong pwesto, sa hulihan.
Ang hirap ng ganito,
Ang hirap kapag hindi tayo nag uusap.

Hindi ko alam kung paano sisimulan,
O kung dapat bang ako ang magsimula ng usapan.
Magsalita ka naman.
Kasi ilang kanto nalang at tayo'y maghihiwalay na.

Hindi ko nagawang masabi sayo ang "Mahal kita" o "Mag iingat ka",
Sa takot na ako'y balewalain mo,
Na baka galit ka at gusto mo lang ng katahimikan o oras para mag isip.

Ilang kanto nalang, mahal.
Hindi ka ba magsasalita?
Kasi handa akong magpadagdag ng kanto sa ating daraanan, para lang hindi tayo bumaba.
Para bigyan kapa ng oras hanggang sa handa kana.

Pero...

Walang nangyaring pamamaalam
Patuloy tayo sa laro na " Walang Kibuan"
Kahit pagkababa sa sinasakyang jeep.
Ni hindi ko magawang lumingon sa takot na makita mo ang sakit sa mga mata ko.

Parang di tayo magkasama.
Parang di tayo magkakilala
Oo nasa tabi kita,
Pero parang wala ka.

Sa mga kantong nagdaan,
Ilang pagkakataon ang pinalampas.
Pero walang sumubok saatin
Na basagin ang katahimikang tayo rin ang lumikha.

Ang akala ko, masakit ang pamamaalam
Pero mas masakit pala pag iniwan ka ng walang paalam.
Sa kanto kung saan laging saksi sa pagpapaalam natin sa isa't isa,
Dito pala masasabi ulit ang salitang "Paalam."

A/N: So, Sinagot ko po sa pamamagitan ng tula, yung tula ni Mark Par 👉 "Ilang Kanto Pa ba?" (Gets ba? Lol)

POETRY: A Work Of HeartWhere stories live. Discover now