Hanggang sa Muli

388 3 0
                                    

Alam ko dumating yung panahon,

Nagkaroon ng pagkakataon,

Na ako yung gusto mo at
Ikaw yung gusto ko.

Pero hindi na ngayon dahil ayaw mo na.

Kaya dapat ayaw ko na rin.

Ayaw mo na kasi meron ng iba.

Kaya dapat, kalimutan na kita.

Hindi kita minahal.

Ginusto lang kita.

Ginusto.

Ginusto kong maging sentro ng buhay mo.

Ginusto kong ako yung una mong maiisip sa tuwing didilat ang mata mo sa umaga
At bago pumikit ang mga ito sa gabi.

Pero lahat pala ng gusto natin,
Ay yung mga bagay na hindi maaaring mapa-saatin.

Kaya lalayo ako sayo.

At pag dumating ang takdang panahon,

Na napagtanto mo na ako pala ang gusto mo,

Hanapin moko, sinta.

Hanapin mo ko bilang tamang babae, sa tamang panahon.

Hanapin mo ko at mahalin sa paraang alam nating dalawa.

Para ang pagmamahalan ay hindi na muling magkamali pa.

POETRY: A Work Of HeartWhere stories live. Discover now