HINDI AKO MAHUHULOG SAYO

300 2 0
                                    

HINDI AKO MAHUHULOG SA'YO.

Hindi lahat ng nahuhulog ay sinasalo.
Kaya Sinta,
hindi
ako
mahuhulog
sa'yo.

Hindi ko sinasabing hindi ako magkakagusto
O magnanais man lang na mapansin mo.
Ang ibig kong sabihin ay ito:
Paano ako mahuhulog kung mas mataas ang kinalalagyan mo?

Na kung ilalarawan man ay yung tipong nasa taluktok ka ng mataas na bangin.
Samantalang ako nama'y nasa ibaba lang at sa'yo ay nakatingin.
Umaasa na balang araw ay iyong mapansin din.
Naghihintay na tumalon kang muli sa pag-ibig na ito ngang bangin.

Ngunit kailan kaya ito mangyayari Sinta?
Kung sa muling pagtalon ika'y takot na.

Nalulula ka na taas.

Nalulula ka na
sa maaaring bagsakan
kung sakali mang lundagin mong muli ang taas ng iyo nang kinalalagyan.

Alam ko,
Matagal ding panahon ang iyong itinuon
maiangat lamang muli
ang iyong sarili at makabangon.

Ilang beses hinamon. Ilang beses tumalon.
Nahulog. Bumagsak. Nawasak...
Nahulog.
Bumagsak.
Nawasak ng dahil sa pagmamahal.
Ika'y nasaktan. SINAKTAN.

Kaya Sinta,
Maniwala ka.
Naiintindihan kita. Naiintindihan ko.
Ngunit sana'y maintindihan mo rin ako.

Dahil hindi naman ako dedepende
at magbabaka sakali lang na
sana'y lumakas ang ihip ng hangin
nang ikaw ay tangayin at
mahulog diretso sa akin...

Huwag kang mag-alala,
hindi ko hinihinging tumalon ka.
Alam kong takot ka nang mahulog muli
kaya hayaan mong akyatin kita.
Masyado mang mataas
ay pipilitin kong abutin ka.
Dahil Sinta, Ayaw ko. Hindi ako maghihintay lang dito sa baba.

Hayaan mo sanang ilatag ko na ang mga ulap,
ang mga alapaap
nang sa ating pagkahulog ay wala tayong pagbagsak.

Hindi ako magmamadali,
dahil alam kong hindi rin naman talaga madali.
Hihintayin kita...
Hihintayin kita hanggang sa naisin mo nang tumalon muli.

Ang kamay mo'y mahigpit kong hahawakan,
Hindi kita bibitawan,
anuman ang mangyari.
Pangako,
hindi kita iiwan...
Hindi kita iiwanan sa ere.

Kaya Sinta,
Huwag ka nang mangamba.
Huwag ka nang matakot pa.
Sabay tayong lulundag,
Sabay tayong tatalon,
SABAY TAYONG MAHUHULOG SA ISA'T-ISA.

Ctto

POETRY: A Work Of HeartWhere stories live. Discover now