Bumalik ka, Maghihintay ako

192 2 0
                                    

Papunta sa kung saan una tayong nagtagpo.
Papunta sa kung saan palagi kitang hinihintay
At hanggang ngayon,
Hinihintay pa rin kita.

Uupo parin sa dati nating pwesto,
Bitbit ang litrato mo
At maghihintay ng iyong pagbabalik.
Babalik ka.

May mga tao nanaman na magbibigay ng barya,
Iniisip siguro nila,
Nababaliw nako o wala ng pamilya.
Pero di nila naiintindihan,
Hinihintay lang kita.

Alam ko wala ng katuturan,
Alam ko di na ako mahalaga sayo.
Pero anong magagawa ko?
Paano ba kalimutan ang taong minamahal mo ng sobra?

Alam ko darating yung araw na,
Sasagi din ako sa isip mo,
Hahanapin ako ng puso mo
At mapapaisip ka kung saang lupalop kaya ng mundo ako naroon.

Sana maisip mong bumalik
Sa lugar kung saan una tayong nagtagpo
Sa kung saan palagi kitang hinihintay.
At makikita mo ako roon, naghihintay parin.

Hindi ako aalis, dito lang ako.
Di ako mapapaalis ng bagyo, lindol o anumang dilubyo.
Wala akong pakealam kung may gyera na.
Basta hindi ako aalis, dito lang ako.

Maghihintay kahit ilang araw o taon
Kasi mahal, kapag nagbago ang isip mo,
Dito ka magpupunta.
At makikita mo akong naghihintay sayo.

Ipapaalam ko sa lahat na may hinihintay ako,
Na hindi ko isusuko ang katiting na pag asang, babalik ka.
Kahit habang buhay pa akong magpabalik balik rito,
Mapunan lang ang butas sa aking puso.

Siguro maraming mamamangha,
Maraming hahanga
Pero sana makarating sayo ang balita.
At tatakbo ka pabalik saakin,

Kasi alam mo na para sayo ang lahat ng 'to.
Kasi alam mo na ikaw ang tinutukoy ko.
Hihintayin kita,
Bumalik ka sana.

POETRY: A Work Of HeartWhere stories live. Discover now