Mahal Kita

442 2 0
                                    

"Mahal kita"
Iyan ang sabi mo.
Naniwala ako.
Pero lingid sa kaalaman ko,
Iba pala ito sayo.
Dahil ang "Mahal kita" mo,
Ay may karugtong na,
"Bilang kaibigan"

"Mahal kita"
Iyan ang sabi ko.
Maniwala ka, mahal.
Para sa kaalaman mo,
Iyan ang nararamdaman ko
Dahil ang "Mahal kita" ko,
Ay walang karugtong,
Dahil mahil kita,
walang labis, walang kulang.

POETRY: A Work Of HeartWhere stories live. Discover now