"Ate"

236 2 0
                                    

Habang naglalakad sa kalsada ng españa,
Nakita ko si Ateng nakapostura.
Halatang may hinihintay.
Ngunit ang pinagtataka ko lang,
Habang ako'y lamig na lamig sa kalaliman ng gabi,
Siya'y tila di tinatablan ng lamig sa nipis ng tela na suot niya.

May pumaradang magarang kotse sa harap niya,
Iniluwa nito'y matandang makisig na naka amerikana.
Sinalubong niya ito ng halik.
Hindi pinaglapas ng mata ko ang pag ikot ng kamay niya sa beywang ni Ate.
At dali dali nilang nilisan ang lugar.

Hindi ko maiwasan ang mapa-iling nalang.
Halata naman kung ano ang meron.
Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon,
Hindi na binibigyang halaga ang moralidad at dignidad.
Nakakadismaya na may mga babaeng handang isuko ang lahat
Para saan?
Sa materyal na bagay, panandaliang saya o siguro dahil sa "uso kasi"

May mga babae naman na
Tila nag iimbitang magpapasok,
Sa uri ng pananamit, pananalita at kilos.
At kapag may nakapasok,
Iiyak, ngangawa, magsisisi.

Napakarami na ngang batas, karapatan at pagpapahalaga ang ibinibigay sa mga kababaihan,
Masyado na nga tayong malakas sa mata ng iba.
Pero may obligasyon tayo na gawin ang parte natin sa lipunan.

Hindi ba't nakakahiya kung paguusapan ka ng mga lalaking nagdaan na sa buhay mo.
Hindi ka ba mandidiri na iba't ibang klaseng kamay na ang humaplos sa balat mo?
Makinis, Magaspang, Kulubot, Malambot.
Malambot, Oo.
Malambot na kama kung saan ihahain mo ang sarili mo na parang putahe.

Di mo man lang ba naisip?
Paano kapag may asawa kana?
Bago pa siya dumating sa buhay mo,
Marami ng lalaki ang nagdaan, nagpabalik balik at nanawa na sayo.

Paano mo didisiplinahin ang anak mo,
Kung ikaw mismo di mo nagawang disiplinahin ang sarili mo?
Paano siya magtitiwala sa sinasabi mo?
Paano siya maniniwala sayo?

Paano nalang ang susunod na henerasyon?
Ang mga babaeng isisilang pa?
Imumulat ba natin sila sa mundo ng kamunduhan?
Kung saan ungol at hiyaw ang tinatamasa imbis na diploma?

Ang katawan mo ay isang uri ng sining,
At hindi dapat ito babuyin ng kung sino.
Hindi mapapantayan ng kahit na magkanong halaga ang dignidad mo bilang tao.

POETRY: A Work Of HeartWhere stories live. Discover now