Delilah

127 1 0
                                    

Bata pa lamang,
Hilig ko na ang makinig ng iba't ibang uri ng kwento.
Tuwing gabi bago matulog,
Kukulitin ko muna si Ina na kwentuhan ako

Sasamahan magpagupit si Itay,
Para sa kwentong barbero.
Madalas makinig sa usapang matanda
Para sa chismis o balita

Hilig ko rin namang magbasa ng libro,
Kaya sari saring kwento ang alam ko.
Pero sa dami ng kwentong narinig ko,
Ang kwento ni Samson at Delilah ang pinaka paborito ko.

Nagtataglay ng hindi pangkaraniwang lakas si Samson.
Daig ng 1 milyong tao ang lakas niya.
Pero gaya ng ordinaryong tao,
May isang bagay na makakapagpahina sakanya.

Hindi maaring magupit ang mahaba't kulot niyang buhok,
Dahil ito ang pinagmumulan ng lakas niya.
At katulad ng maraming kwento,
Maraming kontrabida ang gusto siyang ipabagsak.

Ipinagkatiwala niya ang sikretong ito,
Sa mahal niyang si Delilah.
Babaeng, ubod ng ganda.
Pero lubos talagang mapaglinlang ang kagandahan

Nakipagsabwatan sa kalaban,
Para sa isang kahon ng pilak.
Isinantabi ang pagmamahal,
Sinira ang tiwala.

Nagising si Samson na maiksi ang buhok,
At lubos na naghihina.
Wala siyang nagawa ng dumating ang kalaban
Nanlulumo niyang tinitigan si Delilah habang hawak ang gunting

Napakasakit titigan ang taong
Hindi mo akalain sisira sa tiwala mo,
Lalo pa't siyang mahal na mahal mo.
Napakasakit mapagtaksilan.

Sa huling pagkakataon,
Tinitigan niya ang napakagandang mukha
Na hindi niya akalaing magtataksil sakanya,
Hanggang sa alisan siya ng kakayahang makakita.

Alam ko,
Marami saatin ang parang si Samson
Handang ibigay ang lahat,
Kahit ang pinaka tatagaong lihim

Alam ko,
Madalas tayong bulag sa pag ibig.
Mabilis magtiwala
Sa mga mahal nating mistulang balat-kayo.

Sadya bang nagbago lang sila,
O di pa natin talaga sila lubusang kilala?
Ayokong maging si Samson
At mas lalong ayoko ng maka engkwentro si Delilah.

POETRY: A Work Of HeartWhere stories live. Discover now