Hindi ako Prinsesa

207 4 0
                                    

Nung unang beses na magkausap tayo,
May ngiti sa labi mo ng tanungin mo ang pangalan ko.
Pero naglaho iyon, matapos kong ilahad ang kamay ko.

Simula noon, madalas mo na akong asarin at bwisitin.
Iyong bang hindi makukumpleto ang araw mo kapag di sira ang araw ko.
Pero hindi ako nagpatalo.

Nagmistula tayong aso't pusa sa madalas na pag aaway natin.
Lagi tayong magkaalitan sa lahat ng bagay
Ako pa naman yung tipong mahilig pumatol.

Hindi ko alam kung bakit,
O kung may nagawa ba ako sayo,
Pero di naman tayo dating magkakilala kaya napaka imposible.
Pero bakit ba?

"Bakit ka ba ganyan sakin?"
Tinanong kita ng minsa'y magkasabay tayong kumain.
Ah! Dahil pala sa pangalan ko.
Kapangalan ko pala yung babaeng unang nanakit sayo.

Ang sabi mo pa nga,
Ayaw mong mapalapit saakin dahil sasaktan lang din kita.
Tinawanan kita at ipinagtanggol ko ang sarili ko mula sa mga sinasabi mo.
Iyon na pala ang huling pag aaway natin.

Inamin mo na iniiwasan mong mapalapit saakin
Pero kahit na anong iwas mo,
Ako lang ang napapansin mo.
At napakadaya ng tadhana sayo.

"Ano bang meron sainyong may ganyang pangalan? Lagi nalang ba akong mauugnay sainyo?"

Hindi naging madali ang paniwalaan ka.
O mas mabuti bang sabihin na, ayaw kong paniwalaan ka.
Pero may parte saakin na gustong burahin ang ganoong impresyon ng ganitong pangalan sayo.

Ang sabi mo, maganda ako parang siya.
Na ako na ata ang pinaka magandang nakita mo.
At di mo mapigilang tumitig sa mga matang 'to.
At ang ngiti ko ang tumutunaw sayo.

Sabi mo, mabait ako katulad niya.
Matalino kagaya niya.
Pero ang sabi mo, mas higit ako.
Na mas tinamaan ka ngayon kaysa noon.

Itinuring mo akong parang prinsesa mo
At pakiramdam ko napaka ganda ko sa paraan ng pag aalaga mo.
Ni ayaw mong madapuan ako ng lamok.

Prinsesa kung ako'y iyong tawagin.
Pero nagkakamali ka ata, sinta.
Hindi ako ang prinsesa.
Hindi ako yung perpektong babae sa mga kwentong engkanto.
Ako yung bruha, yung mangkukulam, yung masama.

Pero wag mo sanang isipin na ginayuma kita.
Hindi ko ibig ang paibigin ka
Dahil hindi ako ganun kasama para paasahin ka sa wala.

Hindi ko ginusto na masaktan ka ulit
Ng iisang pangalan lang.
Hindi ko ibig na marinig sayo ang katagang "sabi ko na e, sasaktan mo rin ako"

Hindi ko sinasadya ang saktan ka.
Hindi ako ang prinsesa mo.
Hindi ako prinsesa.
Hindi ako ang nararapat sayo.

POETRY: A Work Of HeartWhere stories live. Discover now