Mahirap magmahal

1.7K 24 0
                                    

Sobrang hirap magmahal,
Mas mahirap pa ata sa matematika.
Ang hirap magpanggap na kunwari wala akong nararamdaman,
Na hindi ako kinikilig,
Na hindi ako naapektuhan sa tuwing dadaan ka at maamoy ko ang singaw ng iyong pabango,
Na para bang wala ka lang saakin,
Na kunwari di kita gusto.

Mahirap iyong abot kamay nga kita pero di kita pwedeng hagkan o hawakan,
Makukuntento nalang ako sa mga nakaw na sulyap
At pagtitig sayo mula sa malayo.

Napakahirap masanay sa ideyang balang araw magiging ikaw at ako,
Na sa pag gising mo sa umaga ako agad ang unang maiisip mo
At sasabihin ko naman na "Mahal, binuo mo nanaman ang araw ko"

Kaso hanggang panaginip nalang ba lahat?
Palagi nalang bang pagkabigo ang aasahan sa tuwing mata'y imumulat?
Kailan ba ang pangarap ay magkatotoo?
Siguro nga malabo.

Minsan nga pinipigilan ko ng isipin ka sa gabi bago matulog.
Natatakot kasi ako na baka maging sanhi ito ng pagkulang mo ng tulog.
At sa tuwing maaalala kita sa isang simpleng bagay, sinasampal ko ang aking sarili dahil baka makagat mo ang dila mo o mangati ang ilong mo.

Nakakabaliw ang pag ibig,
Ang hirap umibig.
Pero patuloy parin kitang iibigin,
Sa isip, sa panaginip, hanggang sa hindi ko na makayanan ang sakit na dulot nito,
Mamahalin parin kita, kahit ang sakit sakit na.

POETRY: A Work Of HeartWhere stories live. Discover now