Huwag mo akong hubaran

112 2 2
                                    

Alam ko malalim nanaman ang gabi
Nakakapanindig balahibo ang hangin na sa balat nati'y dumadampi
Masyadong nakakaakit ang buwan

Kaya naiintindihan ko kung bakit mo ako gustong hawakan,
Kung hahalikan mo ako at hahagkan,
Kung lumalim man at tayo'y masarapan.
Kung dalhin mo man ako hanggang sa iyong higaan.

At simulan mong gawaran ng matatamis na halik ang aking harapan
Pababa sa aking tiyan,
Hanggang sa aking pinaka iingatan.

PERO HUWAAAAAAG-----!
....mokong hubaran.

Huwag mokong hubaran,
At pagtapos ay iiwanan.

Huwag!
Huwag mong baklasin ang mga butones ng aking pagkatao pababa sa aking prinsipyo.

Huwag!
Huwag mong tanggalin ang aking katinuan kasama ng aking pang itaas.

Huwag!
Huwag mong alisin ang aking saplot hanggang sa buhay ko'y mapuno ng salimuot.

Huwag! Pakiusap!
Madaling tanggalin ang pang ibaba at mag hubo
Masarap titigan ang sariwa kong kabuuan
Pero mahirap tanggapin ang masakit na nakaraan.

Minsan ko ng nilantad ang sarili
Para lang pag aalinlangan niya'y mapiksi,
Hinayaang makita ang kaloob looban ko
Maging ang mga pinakatatago't sikreto.

Hantad na pinakita ang saakin,
Sumailalim at nagpaalipin
Sa pag aakalang hindi aabusuhin
Dahil sabi niya "sayo ako at ika'y akin"

Nakita ang mga di dapat makita
Kinabisado kung kailan ako mahina
Tinanggal ang mga posibleng balakid sa mga mata
Na ayos lang kung ako'y may pasa at marka

Pero kinabukasan iiwan din pala
Na nakahubo at nakabukaka
May pasa at panibagong marka
Umiiyak at nanghihina

KAYA HUWAAAAAAG-----!
....mokong hubaran.

Huwag mokong hubaran,
At pagtapos ay iiwanan.

Madaling tanggalin ang damit at mag hubo
Masarap titigan ang sariwa kong kabuuan
Pero mahirap manatili kung kailan kita kailangan
Mahirap bumangon pagkatapos mong lumisan

Madaling pumasok lalo na kung mapusok
Pero pagtapos ng apoy laging may usok
Ngunit ang hayaan kitang manipulahin ang sistema ko
Yun, ang pagiging hubo


Note: Click "Vote" if you like it 😉 First time ko gumawa ng ganitong theme sa tula so bare with me 😂

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

POETRY: A Work Of HeartWhere stories live. Discover now