Chapter 8: Mystery
Vanessa's Point of View
Nakakainis! Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa pag-iinarte na ito. Bakit ko ba kasi nararamdaman ito? Bakit pakiramdam ko ay hindi ako importante sa kanya? Bakit pakiramdam ko ang liit ng tingin nya sa akin? Bakit ba ako ginugulo ng mga kadramahan na ito?
"Vanko..."
Hindi ako lumingon at nanatili ang tingin ko sa mga estudyanteng dumadaan sa harap namin. Hindi ko sya kayang tapunan ng tingin dahil nahihiya ako. Nahihiya? Oo, nahihiya ako pero hindi ko maintindihan kung bakit.
"Sorry," Bulong nito. Mariin kong naipikit ang mata ko nang marinig 'yon. It was not actually his fault or maybe it's the other way around. "Hindi ko na sana sinagutan ang assignment mo. Sorry kasi nagmarunong ako." Malungkot nitong sabi.
Sumikip ang dibdib ko na parang kinakapos sa hangin. Hindi ako sanay sa tono nya. Hindi ako sanay na malungkot sya. Hindi ako sanay na hindi ko sya nasusungitan. Pero mas hindi ako sanay na ako ang dahilan ng lahat. I want to end this drama right now... No sequel.
"Sorry kung bobo ak-"
"BOBO KA NAMAN TALAGA EH!" Sigaw ko na ikinatahimik nya. Humarap ako sa kanya kasabay ng pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tama nga, mahirap kalabanin ang nararamdaman mo. "Damn! Je, you are so stupid... selfish." Halos manginig ang tinig ko habang sinasabi 'yon.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang mainit na pakiramdam ko. Ayokong magsalita ng makakasakit sa kanya pero tangina ang hirap. Gusto kong ipamukha sa kanya na ang ginawa nya ay hindi maganda... Hindi talaga. Ang labo kaya kailangang malinawan.
"Sorry," muling sagot nito na ikinakuyom ng kamao ko.
Hinawakan ko ang kwelyo nya. Nanlambot ang tuhod ko nang makita ang pangingilid ng luha nya. Oh fuck! I hate it! His eyes... My weakness.
"Sorr---"
Dumapo ang palad ko sa pisngi nya at wala akong pinagsisihan don. Kung pwede lang sanang sampalin ko syang muli hanggang sa maubos na ang sama ng loob ko ay gagawin ko. Kulang pa ang sakit na nararamdaman ng pisngi nya sa mga sakit na ipinaramdam nya sa akin.
"Je, you can tell me if you can't." Bulong ko. Pinunasan ko ang luha sa pisngi nya. Ghad! He is crying and it's killing me."Don't be selfish. Hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na hindi mo kaya. Hindi mo kailangang maglihim sa akin." Wika ko.
Gusto kong matawa sa kadramahan namin. Dahil lang don ay nagkaganito na kami pero hindi--- Hindi lang ito dahil doon.
"Bakit Van? Sa tingin mo ba mahina ako? Ganon ba ang tingin mo sa akin? Na hindi ko kayang gawin ang mga bagay na ito? Ganon ba? Ha?"
Mahina akong natawa at mahinang tinapik ang kanyang pisngi. "Natatakot akong dumating 'yong araw na sumusuko ka na pero hindi mo pa rin sinasabi sa akin. Natatakot akong bigla ka na lang mawala nang hindi man lang nagpapaalam. It's not about that fucking zero! It is about us! It is about how I want you to tell me everything. Kung hindi mahalaga sa'yo 'yon pwes importante sa akin 'yon. Lahat ng tungkol sa'yo ay pinapahalagahan ko. Naiintindihan mo ba ang nais kong sabihin?" Gusto kong itatak nya sa isip at puso nya ang mga katagang 'yon.
Natatakot lang kasi ako... Natatakot akong gawin nya ang mga bagay na hindi nya kayang gawing mag-isa. Ano pang silbi ko? Ano pang silbi't minahal ko sya? I will stand for him and join the battle... 'til the end.
"Lets do it together... Jerome... together."
***
Dave's Point of View
BINABASA MO ANG
Chasing Hell (PUBLISHED)
Mystery / ThrillerWarning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!