Chapter 33

1M 46.6K 26.9K
                                    

Chapter 33: The Past

Ace's Point of View

In my arms, you are safe. I love you and I don't doubt it. You gave me reasons and you gave me life. In you, I'll always be happy. Without you, I am in misery.

Isang putok ng baril...

My heart skips a beat.

I thought it was the end. Tumalsik ang baril ni Zein sa malayo nang patamaan ito ng isang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa amin.

Ang tindig nito. Mapait akong napangiti. Ang isang taong naging karamay ko sa loob ng impyerno na nagkaroon ng poot sa akin ay ngayon'y nakatingin sa akin. Malamig ang mga mata nito.

Nanatiling tahimik ang paligid. Tanging ang pag-ihip ng hangin at ang mga mabibigat na paghinga ni Zein ang aking naririnig. Hindi ko alam kung kaya ko pang makatayo dahil nanatili akong bagsak sa lupa.

"It's been a long time, Ace."

Nanatiling tikom ang aking bibig. Naglakad ito palapit kay Zein. Wala akong magawa kundi sandan ito ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakikita ko sya ngayon. Sa loob ng napakaraming taon... Nagkita rin kaming muli.

"Wala sa usapan natin ang magpakamatay ka." malamig na sambit nito kay Zein na nakatingin lang sa akin.

Ang kaninang malamig nyang mata ay napalitan ng lungkot. Sa isang iglap ay muling nagbalik ang babaeng minahal at patuloy kong minamahal. Parang nahimasmasan ito at nagising sa pagkakahimbing.

"A-Ace... Ayos ka lang?" tanong nito sa akin.

Napangiti ako bago tumango. Sa wakas ay nagbalik na sya. Maging ako ay nabuhayan kaya nagawa kong tumango.

"Welcome back, Zein."

Napatingin ito sa lalaking katabi nya. "B-Bakit nandito ka?" tanong nito.

Ngumisi ito at hinawakan ang mukha ni Zein. Tumagilid ang ulo ko dahil sa ginawa nya. Ayokong may humahawak sa babaeng ito.

"Kasi hindi mo kaya..." Nakangising wika nito. "Kaya ako na ang kikilos." dugtong pa nito.

Nanatiling umiikot sa akin ang mga pangyayari at unti-unting nawawala ang pagkabuhol ng lubid sa aking isipan. Kaya pala... Kaya pala nalaman lahat ni Zein.

"Tara na, Zein."

Napatingin ako sa isang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa amin. Nakangiti ito at hindi man lang makatingin sa akin. Nawala ang tinik sa aking lalamunan. Akala ko namatay sya...

Buhay sya...

Sa mga panahong ito ay naging kampante ako. Nawala lahat ng pagdududa sa akin. Nawala lahat ng pangamba. Nakahinga ako ng maluwag.

"Sumama ka sa kanya, Zein." nagulat sya sa sinabi ko kaya ginantihan ko ito ng matamis na ngiti. "Susunod ako." bulong ko.

"Maghihintay ako..." sabi nito bago naglakad papunta sa babaeng 'yon at sabay silang nawala sa dilim.

Sobrang lalim na ng gabi. Dapat ay inaantok na ako ngunit hindi ko ito maramdaman ngayon. Umaapaw ang nararamdaman ko at pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog ng ilang gabi.

Nakakabaliw na sa lahat ng pait na nararamdaman ko kanina ay napalitan ito ng saya ngayon. Yes, I'm happy.

Ngayon ay napatingin na lang ako sa nag-iisang taong kasama ko.

"Hanz..." bulong ko. "Or should I say... Hell?" natatawa kong sambit.

Tama nga si Nicky. Malaki ang hinala ko na sila ang may pakana ng lahat ngunit hindi ko lang kayang tanggapin. Ngunit ngayon ay tinatanggap ko na...

Chasing Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon