Chapter 12: Allison
Allison's Point of View
Tumango ako sa doctor bago ito lumabas ng kwarto. Tumingin ako kay Zein na nakaupo sa kama at may benda ang sugat sa kaliwang braso na natatakpan ng puting tela. Tulala ito sa bintana.
Kinagat ko ang labi ko. Naiinis ako sa sarili ko. Lumabas ako sandali para magpahangin. Pinagmasdan ko ang mga bulaklak sa garden nitong hospital but I just can't appreciate it.
"Kamusta na sya?"
Tumingin ako kay Jazz. Pinilig ko ang ulo ko. Ramdam ko pa rin ang lakas ng pintig ng puso ko. Nang marinig ko ang pagsabog at pagkabasag ng mga salamin, parang nawala ako sa sarili ko. Nagdilim ang lahat sa akin.
"Mukhang mababawasan pa ata ang ipon mo." Natatawang wika nya. "Malaki-laking halaga ang napinsala ng kapati--"
"At sa tingin mo may pakialam ako doon?" Bumigat ang paghinga ko na ikinatahimik nya. "Sa tingin mo hindi ko kayang gastusin lahat ng perang pinaghirapan ko para sa kapatid ko? Iniisip mo ba na mas importante ang pera kesa sa kapatid ko?"
"No.. That's not what I mean. Sorry."
Pinihit ko ang paa ko para umalis na doon. "Kapatid ko ang pinag-uusapan dito. Kadugo ko. Mahal ko. Wala akong pakialam sa mga material na bagay dahil kapag buhay ng kapatid ko ang nanginib... maglalaho ang lahat ng pangarap ko." Nanginig ang boses ko kaya minabuti ko ng bumalik sa loob.
Kasalanan ko ang lahat, alam ko. Hindi ko dapat sya binigla. Hindi ko sana sya nilagay sa panganib. Tangina! Gusto kong murahin ang sarili ko. Nakakainis! Dahil sa akin muntik ng mapahamak ang kapatid ko.
Naabutan kong ganon pa rin ang posisyon nya. Tulalang nakaharap sa bintana. Hindi ko alam kung anong iniisip nya. Galit kaya sya? Maiintindihan ko.
"Z-Zein..." Umupo ako sa tabi nya ay niyakap ang kanyang likod. "Sorry... Sissy, I am so sorry." Bulong ko.
Naramdaman kong hinaplos nya ang kamay ko at parang nawala lahat ng hinanakit ko sa aking sarili dahil doon. Oh God! I love my sister that much.
"Wala 'yon."
Humarap sya sa akin na nakangiti. Hinawakan nya ang pisngi kong hindi ko naramdamang basa ba. Pinunasan nya ang luhang dumaan roon nang nakangiti.
"You are crying... I thought big girls don't cry."
Napangiti ako nang maalala na sinabi ko sa kanya 'yon. Ayokong nakikita syang umiiyak. Ayoko sa mahinang tao at ayokong maging ganoon ang kapatid ko. Pero mukhang ako ngayon ang naging mahina.
"H-Hindi mo ito sasabihin kay Ace."
"Nasabi ko na."
Napailing na lang ito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina kaya natawagan ko ang lalaking 'yon. Dinig na dinig ko ang pagbigat ng hininga nya sa kabilang linya nang sinabi ko sa kanya ang nangyari. He cares too much for my sister. Ngayon, mukhang naiintindihan ko na kung bakit nahulog ang isang Zein Shion sa isang Ace Craige.
Napangiti ako.
Nagulat kami nang pabagsak na bumukas ang pinto at iniluwal nito si Ace na kagat-kagat ang labi.
Tumikhim ako at lumabas.
***
Zein's Point of View
Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin kay Ace na nanatiling nakatayo sa pinto. Mariin ang pagkakakagat nya sa kanyang labi at kitang-kita ang labis na pag-aalala sa kanyang mapupungay na mata.
BINABASA MO ANG
Chasing Hell (PUBLISHED)
Mystery / ThrillerWarning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!