Chapter 35: Run away
Raze's Point of View
Tahimik na nagbi-byahe kami sa kung saan man ako dadalhin ng dalawang ito. Nasa likod ako habang si Winzy ang nagda- drive, katabi si Zein na diretso lang ang tingin.
Naguguluhan ako.
"Saan ba tayo pupunta?" Hindi ko mapigilang magtanong.
Baka naman i-gang rape ako ng dalawang 'to o kung ano mang binabalak nila.
Walang sumagot sa kanila. "Basta, manahimik ka na lang, Sexy Raze." sagot ko sa sarili ko dahil hindi talaga sila sumasagot.
Naka mute ba sila? Hindi naman siguro horror ang nangyayari sa amin, 'di ba? May tatapusin lang kaming problema.
Tatapusin? May inumpisahan ba kaming hindi natapos? O kung meron man, ang tagal na no'n at hindi na dapat binabalikan. Pwede naman naming iwan na lang 'yon dahil matagal na.
"Zein, alam mo ba 'yong kanta ni Bruno Mars? 'Yong versace on the floor?" tanong ko.
Tumahimik ako at naghintay ng sagot ngunit sa ikalawang pagkakataon ay wala pa rin akong nakuhang sagot.
"Oo. Alam ko 'yon, Sexy Raze. Ang angas! Nakakadala ang lyrics!" sagot kong muli sa sarili ko bago ngumuso.
Humalukipkip ako at ibinalin na lang sa labas ang aking atensyon. Hindi familiar sa akin ang daan at hindi ko rin gaanong makita ang view dahil gabi na.
"Nagkita na ba kayo ni Hanz?" Tanong ko.
"Y-Yes."
Sa wakas ay may nakuha na rin akong sagot. Hindi ko na alam kung ano ba ang susunod kong itatanong.
Namiss ko ang dalawang 'to. Sila ang gumulo sa buhay ko sa Hell University. Sila 'yong sumira sa pagkatao ko at gumising sa pagkakahimhing.
Si Winzy na laging nakatago sa likod ni Samantha. 'Yon bang halos hindi sila magkahiwalay. Baby na nga ang tawag sa kanya ni Sam e.
Si Hanz na laging nariyan para sagipin si Sam. Ang angas ng lalaking 'yon e. Tahimik lang syang nakamasid sa malayo. Malalim ang iniisip. Minsan nakakatakot sya.
Si Samantha... Sya 'yong babaeng laging nakangiti. Huwag na huwag mong sasaktan ang isa sa kanyang kaibigan kung ayaw mong mabato ng sapatos. Naalala ko dati ang ginawa nya sa isang nambastos sa kanya. Kinadena nya ang dalawang binti at kamay sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Walang tumulong sa lalaki dahil takot sila sa kanya.
Si Samantha na lagi akong pinapangiti. Si Samantha na hahampasin ka ng sapatos 'pag umiyak ka sa harap nya. Si Samantha na galit sa mahina. Matalas ang dila nyang hindi nya napapansin na nakakasakit na sya.
Si Samantha na halos maging ang aking ama ay hambalusin ng sapatos dahil sa pagkainis. Si Samantha na kinakatakutan. Si Samantha... Na minahal ko.
"You miss her?" Napatingin ako sa rear mirror kung saan nagtagpo ang mata namin ni Winzy.
Hindi ako nakasagot dahil alam kong totoo.
"What if she's alive?"
Natigilan ako sa sinabi nya. Paano kung buhay nga sya? Paano kung hindi sya bumalik sa akin nung gabing pinalaya ko na sila para balikan ang kapatid ko? Paano kung sinunod nya na lang ako na magpakalayo na at huwag ng babalik sa loob?
Damn!
Sana... I wish... Samantha...
"Hindi ka ba nagtataka?" sunod na tanong nya sa akin. "Bakit nagkagulo nung gabing 'yon?" natatawa nyang dugtong.
BINABASA MO ANG
Chasing Hell (PUBLISHED)
Mystery / ThrillerWarning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!