Chapter 36

1.1M 43.4K 16.6K
                                    

Chapter 36: Afraid

Zein's Point of View

Nawawala ako sa aking sarili. Galit ako? Sobra. Hindi ko alam kung kaya ko silang patawarin sa ginawa nila. Pinaikot nila kami sa mga kasinungalingang pinagtakpan nila.

Pero, ba't ganon? Kahit na anong galit ko kay Ace, nawawala ang lahat 'pag nakikita ko na sya. Gusto kong magalit ngunit taksil ang nararamdaman ko. Mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya.

Ate Sam... Alam kong hindi mo gusto ang nangyayari sa amin ngayon pero lahat ng ito ay para sa iyo. Gusto naming ituwid lahat ng pagkakamali. Hindi lahat ng lihim ay ibinabaon sa limot, kailangan itong ibunyag para maharap mo ang kinabukasan nang buo ka. Hindi 'yong nangangamba ka sa loob mo.

Nakita ko ang luha sa mata ni Ate Allison dahil sa ginawa ko. Nanginginig pa rin ang kamay ko na animo'y nasasabik pa itong muling dumapo sa pisngi ni ate. Pakiramdam ko ay hindi sapat ang isang sampal.

"Z-Zein, hindi ko kaya."

"Kayanin mo." Pumait ang boses ko dahil ibang-iba na sya ngayon. Nawala 'yong palaban na babaeng hindi marunong masindak. "Tatapusin natin lahat, ate." pumiyok ang boses ko.

Ibinalin ko sa iba ang tingin ko dahil hindi ko sya kayang tignan. Naiinis ako na sa tuwing nakikita ko sya ay ibang babae ang nakikita ko. Malayong-malayo sa kinagisnan kong kapatid.

"Ganito na ba ang reunion? Sampalan?" Mahinang tumawa si Raze ngunit sa pagkakataong 'yon ay alam kong pilit na.

God. Masyado akong nasaktan sa mga nalaman ko at hindi ko alam kung paano 'yon kakayanin ni Raze. Natatakot ako. Ayokong magkagulo ang lahat, ang relasyon ng magkuya ngunit ito ang pinaka mainam sa lahat at ito lang ang tanging paraan.

"Inaantok na ako," sabi ni Raze na humikab pa. "Uuwi na ako." Pagpapaalam nito ngunit pinigilan sya ni Hanz.

"Heto na naman ba tayo? Tatakasan mo na naman ba ang problema?"

"Problema?" Natawa si Raze sa tinuran ni Hanz. "Kayo lang ang may problema. Hindi ako kasali." Naging malamig ang boses nito.

Umihip ang malamig na hangin. Nangatog ang tuhod ko. Halos mapatalon ako nang maramdaman ang pagbalot sa akin ng tela.

"Wala akong pakialam kung galit ka o kinasusuklaman mo na ako. Ayokong magkasakit ka." Wika nito nang aktong aalisin ko 'yon.

Sinabayan 'yon nang muling pag-ihip ng hangin na gumulo sa kanyang buhok. Nakakatunaw ang malamig nyang mata na agad kong iniwasan.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Masyadong magulo at hindi ko alam kung paano uumpisahan ang pagbuhos ng mga emosyon kong nagkabuhol-buhol sa loob ko.

Hindi ko alam na ganito pala kalala ang lahat. Akala ko wala nang mas sasaklap pa sa pagkakakulong namin sa impyerno. Pero mas masakit pala na ang kalaban mo ay ang mga malapit sayo at... Ang sarili mo.

"Raze..."

"Tangina! Ayoko sa mga inaasta nyo." Natahimik kami nang sumigaw ito. "Kasi... Nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit." Naging halos pabulong 'yon.

Napatingin ako kay ate. Nakatakip ang dalawa nyang kamay sa kanyang bibig na parang pinipigilan nyang marinig namin ang hikbi nito.

Siguro, inaakala mo ngayong kinasusuklaman na kita. Pero, hindi ate. Lahat ng sinabi ko sa'yo ay totoo. Walang kasinungalingan doon. Mahal kita, sobra. Hindi ako galit sa'yo, galit ako sa ginawa mo. Sana maintindihan mo ako. Ginagawa ko lang ito para sa'yo... Para sa atin.

Chasing Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon