Chapter 37

1.2M 47.8K 22.4K
                                    

Chapter 37: It's me

Zein's Point of View

Nagising ako nang maramdamang may tumapik sa aking pisngi. Mahina lang 'yon pero ang lakas ng epekto sa akin.

"Zein, wake up."

Sa una ay hindi ko gaanong makita ang mukha nya ngunit ilang segundo lang ay naging malinaw na. Nakatingin sa akin ang malamig nyang mata. Halata sa kanyang mata ang pagod.

Inalalayan nya akong makaupo. Saglit kong iginala ang mata ko sa kabuuan ng kwartong ito. Hindi familiar sa akin at hindi ko alam kung nasan ako.

Ngunit alam kong may malaking ginampanan ang lugar na ito sa nakaraan. Dahil gaya ng sinabi ni Hanz, ibabalik nya ang lahat sa nakaraan at tatapusin 'yon.

Napatingin ako kay Ace na nakatingin sa akin.

"Alam mo bang nagseselos ako?" Tanong nya. "Iniisip ko pa lang na kasama mo sila nung mga panahong iniwan mo ako ay nasasaktan na ako." sambit pa nito.

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi nya.

"Nag-alala ako..."

"Hindi sila ang kalaban," wika ko na ikinatiklop nya. "Hindi si Hell ang kalaban, Ace." sambit ko pa.

Nung mga panahong muntik na akong mahulog sa bangin, na akala ko katapusan ko na ay may humila sa akin palabas.

Nakakatawa na ang may pakana kung bakit ako muntik nang mamatay ay sya pang magliligtas sa akin. Sa mga pagkakataong 'yon ay napagtanto kong hindi sila kalaban. Sinisindak lang nila kami at wala sa plano nila ang mapahamak kami.

Hindi sila ang tunay na kalaban...

Ngumiti ito at nagpakawala ng buntong-hininga. "Ang tanga ko para hindi 'yon mapansin." Sagot nito. "Sa sobrang katangahan ko ay hindi ko napansin na nawalan na ako ng oras sa'yo." Naramdaman ko ang panginginig ng boses nya.

"Do I still deserve you?" Tanong nya sa akin. "Do you still deserve me in your life?" Nangilid ang luha sa kanyang mata.

Gusto ko syang yakapin at iparamdam sa kanya kung gaano ko sya kailangan ngunit hindi ko na rin alam kung kaya ko pa. Malaki na ang puwang sa pagitan namin at natatakpan na non ang pagmamahal namin.

"Sino ba ang may kasalanan nito, Ace?" hindi ko napigilan ang pagpait ng boses ko. "Bumababa ang tingin ko sa sarili ko dahil sa'yo. Pinaramdam mo sa akin na mahina ako, na hindi kita kayang sabayan. Pinaramdam mo sa akin na kaya mong lumaban na hindi ako kasama. Pinaramdam mo sa akin na wala akong kwenta." Hindi ko na alam kung saan ko nahugot 'yon.

Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko at alam kong imposibleng mailabas lahat ng iyon nang hindi sya nasasaktan.

"Ikaw ang unang bumigay, Ace. Ikaw ang unang kumawala."

"Nagawa kong itago sa'yo lahat kasi maging ako ay hindi ko maintindihan." Naging matigas ang kanyang tono. "Paano ko ipapaintindi ang isang bagay na ako mismo ay hindi maintindihan." madiin nitong sambit.

Natawa ako kasi kailanman ay hindi 'yon magiging rason. Ang mga rason nya ay sumasaksak sa akin. Ipinaparamdam no'n na mahina talaga ako at sobrang sakit no'n.

"Ace. Alam mo ba 'yong salitang tiwala?" Tanong ko. "Kasi kung oo ay dapat sinabi mo sa akin lahat. Naghintay ako, Ace. Naghintay akong maging bukas ka ngunit hindi mo 'yon ginawa." Nag-init ang mata ko.

"Ako lang ba ang may kasalanan, Zein?" Natigilan ako sa sinabi nya kasabay nang pagbagsak ng luha sa kanyang mata. "Ni minsan... Tinangka mo ba akong tanungin? Ni minsan... Nilapitan mo ba ako para hikayatin akong sabihin sa'yo ang lahat?" Isang tanong na nagpatigil sa akin.

Chasing Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon