Chapter 16: Connection
Zein's Point of View
Naalimpungatan ako nang magvibrate ang phone ko. Pumupungay na kinapa ko ito sa ilalim ng unan ko. Umayos ako nang upo nang makita ang pangalan ni Ace roon.
Nagdawalang-isip ako kung sasagutin ko pero pinangunahan ako ng nararamdaman ko kaya sinagot ko na ito.
"Hey!" Bungad nito. "Why took you so long to answer?" May halong pag-aalalang tanong nya.
Natutop ata ako sa kinauupuan ko at hindi ko nagawang sumagot. Natulala na lang ako sa puting pader at mahinang kinagat ang aking labi.
Ano bang nangyayari sa akin?
"Zein?"
"Hmmm..." Walang ganang sagot ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya sa kabilang linya. "I'm sorry," Sabi nito.
Why sorry?
"Just woke up, Ace. Napagod ako sa byahe..." at sa katotohanang nangungulila na ako sa'yo.
Kahit na malapit lang tayo ay parang lumalawak ang puwang sa ating pagitan. Hindi ko maiwasang matakot; matakot na magising na lang ako at hindi ko na mabura o mapigilan ang paglaki no'n. Ayokong tinatanaw lang kita sa malayo, gusto kitang yakapin at hagkan.
"Zein, may problema ba tayo?"
Ikaw nga dapat ang tanungin ko nyan, Ace. May problema ba tayo? Or should I say, anong problema? Bakit gumagawa ka ng sariling mundo kung saan kinukubli mo lahat? Bakit hindi mo ako dalhin kasama ka?
"Where are you?" 'Yon ang naging sagot ko sa tanong nya.
Ayokong isipin nyang may kakaiba na akong nararamdaman. Hanggat kaya ko ay magpapanggap ako. Dito naman ako magaling e, sa pagtatago ng nararamdaman ko.
"Condo," Maikling sagot nito. "Babawi ako sa'yo." Bulong nito.
"You don't have to. I understand, Ace. Well."
"Nope. Babawi ako sa'yo, mahal ko. Sa ngayon, intindihin mo muna ako. 'Pag maayos na ang lahat, hindi na muli akong aalis sa tabi mo."
Napangiti ako kasabay ng pagkawala ng luha mula sa mata ko. Am I being unfair? Gusto ko lang naman na makasama sya. Kahit na araw-araw ko syang nakikita ay hindi kailanman 'yon magiging sapat. Gusto kong akin lang ang atensyon nya... Right, I'm unfair.
Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paglabas ng mga hikbi ng pait at paghihinagpis. Magiging maayos din ang lahat.
"I promise, Zein. I'll sing you a thounsand songs, just... Trust me, please. I love you."
Nabagsak ko ang cellphone ko matapos marinig 'yon. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan at doon inilabas lahat ng hinanakit. Naiinis ako sa sarili ko.
Wala naman kaming problema sa pagkakaalam ko. Ako lang, ako lang ang gumagawa ng mga problema.
Hindi ko alam kung ilang oras akong tulala. Lumilipad ang isip ko sa napakaraming posibilidad.
Napagitla ako nang may kumatok sa pinto. Umayos ako at pinunasan ang luhang natuyo sa aking pisngi. Huminga ako nang malalim bago pinihit ang seradula.
"Kain na," bungad sa akin ni Ate. Nag-iwas ako ng tingin nang kumunot ang kanyang noo. "D-Did you jus---"
"Bababa na lang ako, ate. Hintayin nyo na lang ako."
Mabilis na isinara kong muli ang pinto. Maaaring maikubli ko lahat ng dinadala ko pero hindi sa harap ni ate. Kilalang-kilala nya ang bawat kilos ko. Kung malungkot ako, masaya at nagdurusa. Alam na alam nya.
BINABASA MO ANG
Chasing Hell (PUBLISHED)
Mystery / ThrillerWarning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!