Chapter 31: Tired
Zein's Point of View
Buong hapon ata kaming hindi nagkita ni Ace. Finals na at kailangan ng matapos lahat ng requirements.
"Zein, I'm hungry..." kumapit sa braso ko si Vanessa na nakanguso.
Maging ako ay nagugutom na rin dahil tanghali na at hindi pa kami kumakain. Hindi naman kami maaaring umalis sa laboratory dahil walang magbabantay ng presentation namin at busy ang mga kaklase namin sa kani-kanilang trabaho.
"Mamaya na lang."
Tinanggal ko ang pagkakakapit nya sa aking braso at kinuha ko na lang ang notes ko para magreview para sa next subject.
"Okay..." kinuha nito ang kanyang cellphone at nagtipa roon kaya binalik ko na lang muli sa notes ang aking atensyon.
Pakiramdam ko ay mas pinapahirapan kami ng mga minor subjects namin. Mas nahihirapan kami sa subjects na 'yon e.
Nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa nang may padabog na bumagsak sa lamesa sa gilid ko.
"Nagpapalipas ka ng gutom."
Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin ni Ace. Halata ang inis doon. Basa ang kanyang buhok kaya malamang na naghilamos sya na lagi naman nyang ginagawa.
Napatingin ako kay Vanessa na hindi makatingin sa akin. Sumbungera talaga ang gaga'ng ito.
"I'm talking to you, Zein." inis na sambit nya habang nakangiwi. "Sumagot ka." matigas na sambit nito.
"Maram---"
"Nangangatwiran ka pa talaga?"
Napanganga ako dahil sinabi nyang sumagot ako na ginawa ko naman. Aba! Ang sungit ng lalaking 'to. Para namang mamamatay ako pag hindi naglunch.
"Zein. Kung mamamatay ka rin naman dahil sa ginagawa m---"
"Whoa." Napataas ang dalawa kong kamay dahil sa mga sinasabi nya. "Easy, daddy Ace. Kakain na nga e." kinuha ko ang plastic na may pagkain na dala nya.
Bumuntong-hininga ito at tinulungan akong mag-ayos. Tumulong din si Vanessa na tinitikman lahat ng ulam.
"Huwag ka kasing magpagutom. Nag-aaral ako nang mabuti para sa kinabukasan natin. Paano kung mamatay ka? Para saan pa ang lahat?"
"Oa nito..." bulong ko.
"Aalis na ako." wika nito kaya humarap ako sa kanya. "Yakapin mo na ako." nahihiyang sambit nito.
Napahalukipkip ako sa harapan nya.
"Aba! Matapos mo akong sermonan nanghihingi ka ng ya---" natigilan ako nang yakapin nya ako.
"Shut up. I need energy for my exam later."
Hinayaan ko syang yakapin ako kahit na namumula na ako dahil sa hiya at sa katotohanang nakatingin sa amin ang mga kaklase ko.
"Take care, darling. Ako na ang bahala sa kinabukasan natin." bulong nito.
"Ako na ang bahala sa magandang lahi." bulong ko na ikinatawa nya.
Kumalas ito sa pagkakayakap at hinalikan ako sa noo bago lumabas.
Nahuli kong nakatingin sa akin si Vanessa. Nakataas ang kilay nito at mabilis ding umiwas ng tingin.
Problema nito?
"Zein Shion..." napatingin ako kay Vanessa nang banggitin nya ang buo kong pangalan.
BINABASA MO ANG
Chasing Hell (PUBLISHED)
Mystery / ThrillerWarning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!