Chapter 40

1.5M 53.4K 56.1K
                                    

Chapter 40: The End

Zein's Point of View

"Yes. Actually, mas okay pa nga ang ganito. At least, natututo kami para tumayo sa aming sarili." wika ni Mia na ipinakita ang maliit nilang bahay.

Nakatutok lang ako sa aking cellphone habang pinagmamasdan kung gaano siya kasaya. Masaya rin ako para sa kanila kahit na mejo nag-aalala rin.

"Nasa work pa si Dave. Kaya, ako na muna ang naiwan dito."

"Paano kung matunton ka ng parents mo? Paano kung sapilitan ka nilang bawiin?" Hindi ko napigilang itanong 'yon.

Tumakas lang sila nung tumutol ang kanilang pamilya. And I'm sure, gumagawa na ng para si Tito para mahanap sila. Mahal na mahal nila ang anak nila to the point na gusto na nilang masecure ang future nito sa pagpapakasal sa anak ng ka business partner. Ganon naman talaga ang magulang natin though minsan ay nagiging oa na. But I know, darating din ang araw na marerealize nila na malaki na ang anak nila at marunong ng magdesisyon para sa kanyang sarili. And I'm looking forward to that day.

"Zein. Kapag mahal mo ang isang bagay, ipaglalaban mo. Kahit na tutol ang lahat, hindi mo bibitawan."

Napangiti ako sa sinabi nya. Nagmatured na mag-isip ang bruha. Sabagay, marami nang nagyari sa kanila na humubog sa kung sino sila ngayon.

Nagtatrabaho si Dave para pag-aralin si Mia. Pansamantalang tumigil muna sya para magbigay daan kay Mia. Ayaw naman ni Dave na humingi ng tulong sa parents niya dahil gusto nyang sa sariling sikap ang lahat.

Hay...

"Wala ka bang pasok?" Tanong nya sa akin.

Napatingin naman ako sa wall clock. "Oh my--- Finals na namin ngayon at mukhang malelate pa ata ako." ngumuso ako na ikinatawa nya.

"Sige na. Bye, Zein. Miss you."

Ngumiti na lang ako bago siya nawala sa screen ng phone ko. Mabilis ko namang kinuha ang bag ko at tumakbo palabas. Naabutan ko si Mommy na nakatingin sa laptop nya.

Hindi ata nya napansin ang presenya ko kaya nakita ko kung sino ang tinitignan nya. Mabilis na napangiti ako dahil doon.

"So, binabantayan mo pala si Ate, mom?"

Mabilis na itinupi nya ang kanyang laptop at sinamaan ako ng tingin. Natawa ako sa naging reaksyon nya.

"Matitiis ba nya ang ate mo?" Pang-aasar ni Daddy na kagagaling lang sa kusina. "Hon, natutulog ka pa ba o magdamag kang nakatutok sa laptop?" Humalakhak si daddy nang ibato sa kanya ni mommy ang throw pillow.

"Pumasok ka na, Zein. Malelate ka na." Ani mommy na kinurot ang tagiliran ni daddy. "Nasa labas na ang driver." dugtong pa nito.

Tumango ako at humalik sa kanilang mga pisngi. Tumakbo ako palabas at naabutan ko ang driver ko na may kausap sa phone. Nataranta ito dahil doon at mukhang alam ko na kung bakit.

Pinagbuksan nya ako ng pinto. Pinaningkitan ko sya ng mata ngunit iniwasan nya lang 'yon.

"Manong naman e. Bakit ang bagal mo magdrive? Malelate na ako!" hindi ko mapigilang hindi magreklamo dahil mas mabilis pa ata akong makakapunta sa school kung tatakbo ako.

"Ma'am, kabilin-bilinan ni---" Natigilan ito. "M-Magandang nang ligtas." natataranta nyang sagot.

Napahalukipkip na lang ako.

"Si Mr. Craige ba ang nag-utos?"

Hindi ito nakasagot kaya umusok na naman ang ilong ko. That guy! Akala ko malinaw na sa kanya lahat! Akala ko naiinitindihan nya ang nais kong mangyari. UGH!

Chasing Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon