W.R - 9 ( Push The Button )

14.6K 276 15
                                    

Chapter 9


hindi ko namalayan nakauwi na pala kami. pero teka lang, bakit sinama niya ako sa pad niya. tange!. nauna itong bumaba, pabalang lang ito sinarado ang pintuan ng kanyang kotse. nagmamadali akong lumabas para makausap siya.

Mariin niya akong tinitigan. gamit ang kanyang malamig na tingin. Tabitha naman kasi! yumuko ako, hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga titig. pinaglaruan ko ang aking mga daliri. narinig ko ang paghinga niya. lumapit ito sa akin. nakikita ko ang kanyang maputing paa niya ngayon na nasa harapan ko. alam ko kapag tingalain ko siya baka masanggi ko ang kanyang labi.

" Ump' J-Jaime...ano kasi, bakit mo ako sinama pa dito sa bahay mo?. uwi na lang ako sa apartment namin. hinihintay ako ni Cathy eh. " kandautal ako sa pag-explain dito. nakayuko pa din ako sa kanya.

hinawakan niya ang baba ko, para matingnan ko siya. sinalubong ko ang madilim niyang aura ngayon, katulad pa rin kanina. tumingin siya sa akin, gamit pa din ang cold stare niya. nalintikan na, mukhang galit yata. push the button pa more tabby! 'yan kasi sinagad mo si Mr. Bipolar. ngayon naging poker na.

" Hindi ka uuwi ngayon. we need to talk. about what happen awhile ago. don't be hard headed Tabby. you wouldn't like when i'm mad. " mariin nitong pagkasabi sa akin. napatango na lamang ako. nakagat ko ang aking hintuturo sa sobrang tense. sheyt! na malagkit.

" Stop! biting your finger, my lady. mas lalo mo akong pinapa-init sa ginagawa mo. " sabi nito, he harshly breathed, at tinalikuran ako.

wala siyang nagawa kundi magpa-tianod dito. nang magsimula na itong maglakad papasok parang andaming tambourine sa loob ng puso niya dahil sa kabog nito.

huminga ako ng malalim ng maramdaman ang bango ng loob ng kanyang bahay. nakatayo lamang ako sa may pintuan. hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok na tumakip sa aking mukha. tumikhim ako ng makita ko si Jaime na nakatayo sa gitna ng kanyang sala. humarap siya sa akin, tiningnan niya ako ng pailalim. habang nasa tagiliran nito ang dalawang kamay.

pumasok ako, unti unting lumapit sa kanya.

" A-ano pagusapan natin.? " nakagat ko ang pangibabang labi ko. dahil sa kandautal ko na salita.

lumapit siya sa akin, gayon na lamang ang paninigas ng katawan ko ng maramdaman ko ang paghila niya sa akin. kasabay ng pagkulong niya sa akin sa kanyang matipunong braso. dahan dahan niyang nilagay ang isang kamay niya sa likod ng ulo ko. habang ang isang kamay niya nasa beywang ko.

" i'm sorry..." hinging paumanhin nito. dinig ko ang kalabog ng puso ko. hindi ko na alam ang nangyayari. naliliyo sa amoy na nanggagaling sa katawan niya.

" B-bakit ka nag-sosorry?." halos pabulong na lang ang paglabas ng mga salita sa aking bibig. dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

hindi ako gumanti ng yakap sa kanya. nanatili lamang ang aking dalawang kamay sa aking gilid. hindi man lang ako makahuma dahil sa kanyang ginagawa sa akin ngayon.

nilagay niya ang kanyang baba sa tuktok ng ulo ko. he kissed my temple, at hinawakan niya ang aking mukha.

" What you saw kanina, hindi 'yun katulad ng iniisip mo. if you just stayed there for a minute, nakita mo sana na tinulak ko palayo si Grazilda. " sabi nito sa namamaos na boses. lintek! na boses pa lang naghuhurumentadao na ang puso kong sing lambot ng monde cake.

WILD RIDE ( Wild Series 1 : Jaime & Tabitha) R-18 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon