Chapter 10
Nakauwi ako sa apartment namin na busangot pa din ang mukha. nakita kong nakaupo sa may sala namin si Cathy. kumakain ito ng almusal. iba din trip ng isang ito ah. hindi yata namalayan na nakapasok ako. kaya mulagat itong napatingin sa akin.
" Hoy' babae, bakit ganyan ang hitsura mo? tsaka bakit ngayon ka lang umuwi aber?. may cellphone ka naman pero hindi ka man lang nagtext. " tuloy tuloy na sabi nito.
" dead bat ang phone ko. dun' ako nakatulog sa bipolar kong boss. kaya ganito itsura ko, k-kasi naasar ako dun'. " sabi ko na hindi man lang tinitingnan si Cath. ramdam ko ang paniningkit ng mata nito, habang nakatingin sa direksyon ko.
agad akong nakaramdam ng gutom ng makita ko ang kinakain niyang fried rice at daing. namiss ko ang pagkain ganito. kaya naman diretso ako agad sa kusina at kumuha ng plato.
" Gutom ako..." sabi ko dito na nakatingin lamang sa akin.
" Wag' mo ako titigan ng ganyan. sige magsalita ka, sa itsura mo pa lang parang ang dumi na agad ng tinatakbo ng utak mo. " sabi ko sa kanya. habang naglalagay ako ng fried rice sa plato ko.
" Bakit parang defensive ka yata?. " natatawang sagot nito sa akin. hindi ko siya pinansin sa pasaring niya. kumain na lamang ako.
" Oh'? bakit biglang natahimik ka.? ." litanya pa nito. inubos ko muna ang pagkain sa bibig ko. kinuha ko ang baso niyang may laman na juice. inisang lagok ko 'yun.
" Hoy! akin 'yun.! kahit kailan ka talaga babae ka. ang lapit lapit ng kusina para kumuha ka sa akin pa talaga ininom. ikaw kumuha sa akin. bruhildang 'to. " sabi nito, habang sinasamaan ako ng pabirong tingin. sanay na sanay na talaga ako sa kaibigan kong 'to.
" Alam mo, hindi ako defensive sa sinasabi mo okay?. pangalawa wait lang kukuhanan kita ng juice. ibuhos ko pa sayo isang pitsel dun.' " natatawang sabi ko sa kanya.
" Nakakaasar kasi ang Jaime na 'yun sis.! hays, ewan ko ba. mahal ko na yata ang bipolar na 'yun. pero oopss! alam ko na sasabihin mo. baka masaktan ako?. don't worry dadalhin ko 'yun dito para makilatis mo.".. sabi ko sa kanya. tinaas taas ko pa kilay ko habang ngiting ngiti sa kanya. hindi naman ito nagsalita.
tumayo ako para kunin ang pitsel sa kusina. paglapag ko sa tabi nito, nagpaalam muna ako para magpahinga.
" You're right enough sis. alam ko naman kahit hindi ko pa kilala ang lalakeng 'yun, feeling ko naman mabait siya. " sabi sa akin ni Cathy. na siyang nagpahinto sa akin para pumanhik sa taas ng kwarto ko.
nilingon ko siya at muling naglakad pabalik sa kanya.
" Thank you Cath. sa pagiintindi, hay naku! kung wala ka siguro dito ngayon hindi ko na alam magiging buhay ko. " madramang sabi ko dito at yumakap sa kanya kahit kumakain pa ito.
pinalis niya ang aking kamay na pabiro.
" Ay tigilan mo ako sa mga ganyan mo. sige na magpahinga ka na. mukhang puyat ka yata bakit nakailang rounds kayo ni boss mo.?." nakangising sambulat nito sa akin na ngayon ay nakaharap na siya akin.
napatawa ako sa tinuran nito.
" Loka! walang nangyari sa amin nun'. " sabi ko dito, napalabi na lamang ako.
" Oh? buong magdamag kayo magkasama wala nangyari?. bilib na ako sa tiyaga ni Jaime sayo. sa ganda at kinis mo na yan tinanggihan ka?." namimilog ang mata turan nito.
hinampas ko siya ng pillow cushion sa tabi niya na nakuha ko. feeling ko nag-init ang mukha ko sa tinuran nito. lalo't naalala ko ang nangyari sa amin kanina sa kanyang kusina. muntikan na talaga. ramdam ko pa din ang bandang gitnang hita ko na medyo sweaty pa. jeskelerd!
BINABASA MO ANG
WILD RIDE ( Wild Series 1 : Jaime & Tabitha) R-18 COMPLETED
RomanceJaime Vince Montevallo, a guy who has everything. but his past keep haunting him..isang bilyonaryong CEO at mahilig sa drag race.. Tabitha De Guzman isang babaeng gagawin ang lahat, para lang mabuhay ang sarili. will they fit each other?...