W.R -14 ( Engagement Party)

13.2K 244 11
                                    

Chapter 14

lumipas ang mga maraming araw. mas lalo namin nae-enjoy ni JV ang isa't-isa. and now finally nandito, ang kanyang Mama Sandra at mga pinsan niya. kaya nandito kami ngayon pupuntang Antipolo. dahil nandun' ang mansion na pagmamay-ari ng kanyang tita na nagpalaki sa kanya.

hindi ko maiwasan hindi kabahan, lalo pa't first time ko pumunta dun'. may handaan din yata sila dahil sa pagbabalik ng mga ito dito sa pilipinas.

" are you alright?." tanong sa akin ni Jaime.

" medyo, hindi ko maiwasan hindi kabahan eh. baka kasi ayawan nila ako for you." untag ko dito.

binaling niya sa akin ang kanyang atensyon. kahit pa na nagda-drive ito, kinunot niya ang kanyang noo. pagkuwa'y muling tiningnan ang daan na binabgtas ng kanyang sasakyan.

" i told you, hindi ka dapat mag-alala. my Mama Sandra and my other cousins are nice. imposible hindi ka nila magustuhan." baling niyang muli sa akin.

ngumiti ito at ginagap ang aking isang kamay na nakapatong sa paa ko. dinala niya 'yun sa manibela habang hawak hawak niya ito.

" Jaime!.." ngiting usal ko dito. dahil ayaw niya bitawan kamay ko.

" damn! my Tabby pea. this feeling i have for you is killing me.." ngising sabi nito.

hinalikan niya ang likod ng kamay ko, habang nakatoun ang kanyang mga mata sa daan.

napahilig tuloy ako sa kanyang balikat dahil sa tinuran niya.

hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. nagising na lamang ako ng maramdaman kong may humahaplos sa aking mukha.

" wake up sleepyhead..we're here my Tabby pea." anas sa akin ni Jaime.

"Hmmm.." sagot ko dito, at umayos ako ng upo.

inilibot ko ang aking paningin sa paligid. binababa ko ang bintana ng sasakyan ni Jaime, para lalo ko makita ang magandang view ng kanilang mansion.

ang ganda..

narinig ko ang pagbukas ni Jaime ng kanyang pintuan sa may driver seat. pinihit ko na din ang pinto sa gawi ko at bumaba dun'. dahil sa mataas na ang araw, medyo mainit din at nakakasilaw ito.

nilagay ko ang aking kamay sa may bandang noo ko. panangga sa nakakasilaw ng taas ng araw. hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Jaime.

" you like it.?" sabi nito.

pinamulsa niya ang kanyang kamay. umihip ang masamyong hangin, dahilan para ilipad ng konti ang kanyang magulong buhok na may kahabaan na ng konti ngayon.

sasagot na sana ako ng tumunog ang bakal na gate ng mga Montevallo. naka-ukit doon ang pangalan kaya hindi malabong malaman na pag-aari nila ito.

" oh my god! son, you're finally here.." sabi ng isang magandang babae.

maputi ito, halatang alagang ibang bansa ang kutis nito. tantya ko nasa mga mid forties na ang edad nito.

" ma' i miss you so much." lambing ni Jaime dito.

yumakap ito kay Jaime, na tuwang tuwa. hindi ko maiwasan hindi mapangiti the way they misses each other. parang nanay na talaga niya ang kanyang tita.

nakagat ko ang ibabang labi ko, ng mapadako ang tingin ng ginang sa akin. nakangiti pa din ang maaliwalas nitong mukha.

hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok. na nililipad ng mabining samyo ng hangin.

tumikhim si Jaime, hinawakan ako nito sa braso para igiya sa tabi niya. agad pumulupot ang kanyang kamay sa aking beywang ng nasa tabi na ako niya.

WILD RIDE ( Wild Series 1 : Jaime & Tabitha) R-18 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon