W.R -2 ( Race )

25.4K 442 16
                                    

Chapter 2

~~

narating namin ang parking lot, na wala akong nagawa kundi sumunod sa lalakeng 'to. nakakainis naman kasi si Cathy, bakit ba ako pumayag sa idea ng babaeng 'yun. para lang magka-pera dahil hindi namin mabayaran ang apartment na inuupahan namin. napilitan akong sumali sa auction taena na 'yun.



sumakit kamay ko sa kakahila ng lalake na 'to, kaya hindi na ako pumiglas. fine! ang gwapo niya myghaaash pero hindi tama 'to may usapan kami ni Cathy ngayon. tapos hindi ko pa alam ano gagawin ng mamang pogi na eto. shet!


"saan mo ba ako dadalhin sir.?"

tanong ko sa kanya ng makarating sa tabi ng kotse niyang mukhang pangmayaman talaga.



" i just want to have a proper dinner with you, miss. huwag kang matakot, I don't bite."


ngiti niyang sagot sa akin. 'yung ngiting nakakapanlambot ng kalamnan.



wala akong nasabi, kundi ang tumitig sa mukha niya. pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya, at umupo ako 'dun. bago siya umikot papuntang driver's seat, inalis muna niya ang pagka-posas sa kamay namin.



nahawakan ko ang aking pulsuhan, masakit eto at namumula na. nagulat ako ng kunin niya ang aking kamay at himasin ang bandang namumula. libo-libong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko sa aking katawan. agad kong hinila ang aking kamay.


umikot siya papuntang driver's seat at pumasok.


"what's your name?." tanong niya sa akin.


"Tabitha." simple kong sagot sa kanya.



" nice name, tabby."

sabi niya at humalakahak. walanghiya pinagtawanan niya pa pangalan ko.


"I'm JV. by the way."

sabay lahad niya ng kanyang kamay. habang ang isa nasa manibela. nakipagkamay ako sa kanya at simpleng ngiti lang tinugon niya. maya maya pa ini-start na niya ang kotse.





~~



nakarating kami sa isang class na restaurant. sinalubong kami ng isang lalake, kakilala niya ata' dahil kinausap pa siya nito bago kami pumunta sa table na naka-reserve sa amin. pinaghila niya ako ng upuan, at nahihiya akong umupo dun'.



tiningnan ko mga tao sa loob ng restaurant na'yun. puro mga class na tao. nakagat ko ang aking ibabang labi, tumikhim si Jaime sa harapan ko na siyang nagpabaling sa akin, para tingnan siya.



" you like the place.?"

naka-ngiti niyang tanong sa akin. simpleng tango lamang ang aking tinugon. pinitik niya ang ang kanyang mga daliri, at kinawayan ang isang waiter. wala pa isang minuto dumating na ang aming order. kanina pa yata niya eto pinahanda.


ibang klase ang lalakeng 'to. pero ano kaya kapag humingi eto ng kapalit sa akin.



" let's eat." simpleng sabi niya sa akin.



habang nilalagyan niya ang aking plato ng pagkain. nakatunghay lamang ako sa kanyang gwapong mukha. kahit ang ex boyfriend ko, hindi ganito kaasikaso sa akin. pero bakit ang lalakeng 'to. tiningnan ko siyang maigi, habang inaayos niya ang manggas ng kanyang polo shirt.




infairness ang gwapo niya. na kahit sino yatang babae ay mahuhumaling sa kanya. iginala ko aking paningin sa loob ng resto. may mga kababaihang masama na ata ang tingin sa akin. habang 'yung iba naman na parang kinikilig. binalik ko ang tingin sa lalakeng kasama ko ngayon na pormal lang kumakain.



WILD RIDE ( Wild Series 1 : Jaime & Tabitha) R-18 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon