W.R - 21 ( Cold)

12.1K 257 8
                                    

Chapter 21

one week later....

Naisip kong lumuwas ng Ilocos, tutal nandoon naman ang kamaganak ni Cathy. pero naisip ko madali akong matunton doon kapag ganoon ginawa ko.

so here i am, in the city kung saan malamig at maganda ang simoy ng hangin. dito ko naisip pumunta para makapagpalamig ng aking ulo at makapag-muni muni. pero dahil sa likas na lamig nga dito, imbes na ulo ko lumamig buong katawan ko yata nanlalamig.

mukhang nanibago ang katawan ko sa klima dito. well, i'm speaking the Baguio City. bagyo sa lamig, hays! so amazing this is it . palagi namin naiisip noon ni Cathy na pumunta dito para makapag-bakasyon at mag-enjoy.

but for now, here i am escaping from the man that i'd love the most. halos umiiyak ako kapag naalala ko siya makalipas ang isang linggo na nandito ako sa baguio. buti na nga lamang at may sapat akong pera na dala sa aking wallet.

meron isang paupahan dito na mabait ang may-ari. isang maliit na medyo bahay-kubo kung titingnan. muntik pa akong umatras ng makita ko ito nun' unang kita ko. sino ba naman hindi matatakot puno na ng agiw.

sabi ng may-ari dating bahay daw iyon ng kanyang anak na nasa abroad na ngayon. kaya matagal na daw hindi nalinisan, nasa may di-kalayuan naman ang kanilang bahay talaga.

kompleto naman ito, may kusina na maliit at sa isang gilid may pintuan na pagbukas ay isang maliit na banyo. meron isang hagdan dun na maliit, na may limang baitang lang pagkatapos isang kwarto makikita doon na kasya lang ang isang tao.

bukod sa mura na paupa sa akin ng may-ari, kahit na nakakatakot ito kung titingnan sa una. na-amaze naman ako at feeling ko konting linis lang gagawin.

kaya naman halos buong isang linggo na ginugol ko sa paglilinis. pumunta pa ako sa isang malapit na bayan para bumili ng mga gamit sa paglilinis. natuwa naman ako sa resulta pagkatapos nun' naging matiwasay ang mukha ng buong looban nito.

kadarating ko lang ngayon, pumunta ako kanina para maghanap ng trabaho. pinalad naman at nakapasok ako bilang cashier sa isang grocery store. pwede na din, kasi minimum naman sila magsweldo pwede na sa aking gastusin sa araw-araw.

bumili na din ako ng bagong sim. dahil ilang araw na din patay ang phone ko dahil sa wala itong simcard. sinulat ko sa isang papel ang number ni Cathy, para matawagan ko ito.

nakakamiss din ang babaeng iyon. dahil siguro sa aking pagbubuntis halos nakakaubos ng isang pinggan ng strawberry. sa weird lang sinasawsaw ko ito sa mayonaise na may ketchup.

kinabukasan...unang araw ko bilang cashier sa isang store na pinasukan ko. shifting ang araw namin doon, kaya alas-nwebe pasok ko tapos 5pm ang out ko.

" hi! ako pala si Daisy."

pakilala ng isang babae doon na kasama ko sa shift. tatlo kami naka-duty ngayon dahil sa medyo mabenta itong tindahan mayaman daw ang may-ari nito at isang kilalang negosyante dito sa Baguio.

isa isa nang nagpakilala sa akin ang mga kasamahan ko. nakakatuwa sila at magaan pakisamahan, pero hindi maiwasan magkaroon ng mga kasama na makulit. lalo na iyong mga lalakeng bagger dahil sa mga pasaring nito.

" Tabitha, sabay na tayo uuwi mamaya ah.." si Edgar isa sa mga bagger.

" naku galawang ganyan! huwag ka pauuto diyan Tabby.." si Lorna na isang kahera din.

" inggit ka lang dahil hindi pumasa sa akin ang alindog mo kahit todo akit mo sa akin.."

sabi ni Edgar dito at tawanan kaming lahat doon. may ilang mga customer na din pumasok kaya natigil kami sa biruan at nagsimula ng magtrabaho.

WILD RIDE ( Wild Series 1 : Jaime & Tabitha) R-18 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon