W.R - 27 ( Wedding)

11.9K 239 3
                                    

Chapter 27


Lumipas ang maraming araw. hindi namin namalayan ang pagdating ng isang mahalagang araw na ito sa amin. we prepared so much for this. nasa isang hotel kami ngayon at inaayusan ako para sa aking kasal.

kanina pa tumatahip ang dibdib ko dahil sa kaba. kanina ko pa pinipiga ang aking mga daliri. sobrang lamig nito, si Ericka na din ang magma-make up sa akin. dahil marunong naman siya hindi na kami nag-abala pa na magpunta sa parlor.

kahit ang aking buhok ay siya na din nag-ayos. tumingin sa akin si Cathy na ngayon a parehas pa kami nakasout ng roba. hinihintay namin si Ericka, dahil sumaglit ito pauwi at may nakalimutan daw.

" hindi ako maka-move on sa shower party kagabi."

at napatawa si Cathy. mapapatay siguro ito ni Jaime kapag nalaman na nag-shower party kami kagabi sa condo ni Ericka. silang dalawa ang may pakana. halos mapaos ang boses ni Trixie kagabi sa kakasigaw nito.

sinayawan kami ng tatlong lalake, na parang hercules ang laki ng katawan lahat. isang sexy dance ngising ngisi si Ericka habang nag-vivideo kagabi sa mga lalake.

natawa na din ako ng maalala ko kung paano tumakbo sa isang sulok si Trixie at nagsisigaw kay Ericka na palabasin ang mga lalake na iyon. para siyang bata na napagod pagkatapos ng shower party kagabi.

" epic iyong kapatid ni Ericka."

sabi ko kay Cathy at parehas kaming nagtawanan ng pumasok sa isip namin ang hitsura kagabi. walang kaalam-alam si Jaime sa nangyari. dahil kinuha ni Ericka ang cellphone naming lahat kagabi at ini-off iyon.

balahura talaga, kapag nakita ni Jaime ang mga lalake na iyon kung paano nag-strip sa harap namin baka pina-salvage na iyon. natigil kami sa kwentuhan ni Cathy ng dumating si Ericka.

" hello, ladies..i'm sorry. traffic eh..kasama ko si Trixie pala."

sila kasi mga bridesmaid ko. wala naman na din ako mga kaibigan o kakilala kundi sila lang. sina Nicole at Kyla, imbitado din pero hindi ko sila masyado ka-close.

kung tinatanong niyo si Grazilda?. naku! huwag niyo ng tanungin dahil nasa Brunei na daw ito at nagpakasal sa isang sultanate doon. good for her, dah mahilig naman siya sa mga gold.

ngumiti sa akin si Atty. Patty ng makita ako nito. saglit pa itong nakipag-beso sa akin bago tumabi kay Cathy.

" alam niyo ba kung saan ang place na igaganap ang aming kasal.?".

tanong ko sa mga ito. dahil sabi ni Jaime, surprise niya daw sa akin. kaya ayaw nitong malaman ko.

" alam namin lahat.. except you my dear."

malambing na sabi ni Ericka habang nagsisimula itong lagyan ng make-up ang mukha ko. nang matapos nito ang kanyang ginagawa ay pinasout na sa akin ang aking gown. isa itong inspired empire artificial flower summer. spaghetti straps backless, at plunging neckline ang harap nito.

iba talaga si Ericka. ang aking buhok braided to the side, at nilagyan niya ng maliit na puting replica na roses. napangiti ako sa aking hitsura, hindi masyado heavy ang aking make-up.

nakagat ko ang aking labi ng tingnan nila akong tatlo. tapos na din ang mga ito nag-ayos. bigla akong napatili ng maramdaman ko muli ang kaba sa aking boses. ganito ba talaga ang mga ikakasal.

" grabe siya oh'..baka pagdating mo doon himatayin ka bigla."

sabi ng kapatid ni Ericka. pinaypay ko ang aking sarili gamit ang aking kamay. kinalma ko ang aking sarili, narinig namin lahat ang mahinang katok. ng mabuksan iyon nagulat ako ng makita ko ang Tita Sandra ni Jaime.

WILD RIDE ( Wild Series 1 : Jaime & Tabitha) R-18 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon