W.R - 15 ( Broken)

12.1K 251 14
                                    

Chapter 15

pagkatapos ng nangyari hindi muna ako nagpakita kay Jaime. umalis ako ng gabing 'yun ng hindi niya nalalaman. tinulungan ako ng isang pinsan niya na hindi ko man lang napansin na nandoon.

si Carlos Gabriel, nakita ako nito na tumatakbo paalis ng medyo wala ng tao na mga bisita sa mansion. nandoon daw siya ng mga oras mga oras na 'yun.

halos magkasabay daw sila dumating nina Grazilda, pero hindi namin siya napansin.

mabait ito katulad ni Jaime. pinasakay niya ako sa kanyang sasakyan at hinatid pauwi. dahil alam kong mahihirapan ako umuwi dahil sa layo kaya tinanggap ko offer niya.

naisipan namin ni Cathy, mag-out of town para mapalayo ako at hindi muna kami magkita ni Jaime. alam kong pinagtanggol niya ako pero ang isiping na nahusgahan ako pati pamilya niya nadamay nakakhiya 'yun.

hindi ko alam kung ano na nangyari pagkatapos ko umalis. hindi din ako nakatanggap ng text o tawag mula sa kanya. ayoko umabot sa punto na papiliin siya ng kanyang pamilya between me or sila.

halos buong biyahe namin papuntang palawan umiiyak ako. naiinis na sa akin si Cathy.

" alam mo yang Grazilda na 'yan, panirang moment always eh. ang kapal ng mukha." angal nitong sabi.

huminga ako ng malalim, mugto na mga mata ko sa kakaiyak. masyadong mayaman ang pamilya nina Grazilda kaya wala din ako laban sa kanila. buti nga sampal lang ang ginawa ko sa kanya.

nandito kami ngayon sa El Nido Palawan. gusto ko makasagip ng bagong atmosphere. huminga ako ng malalim habang tinatanaw mula rito ang mga kasing edad namin ni Cathy, na nagsu-surf.

mga pamilyang nagkukulitan sa may di kalayuan. iba't ibang turista ang nandoon. nakakagaan ng pakiramdam makakita ng mga taong nagsasaya, parang wala itong problema lahat.

i'm wearing my red bikini, na tinakpan ko lang isang manipis na white shirt. lagpas hita ko lamang ang haba nito.

naglalakad kami ngayon papuntang artcafe, isang resto dito sa el nido. sobrang nakakagaan sa pakiramdam ang bawat mahinhing tunog ng dagat.

medyo may kamahalan din pala ang pagpunta dito sa lugar na ito. hindi ko alam bakit ito pa napili ni Cathy para puntahan namin.

mabuti na lang may naipon na kaming dalawa, at ika niya once in a lifetime lang daw ito. saglit kong nalimutan ang aking problema dahil dito.

" ang ganda talaga dito noh'?" si Cathy.

ngising ngisi ito kapag nakakakita ng mga gwapong lalake. nandito kami ngayon kumakain dalawa, napili namin sa isang dulo na table.

tanaw namin mula dito ang ganda ng tanawin.

tipid lamang ako ngumiti sa sinabi niya. naalala ko tuloy noon ang sinabi ni Jaime na pupunta kami dito pati ang pamilya niya.

nalungkot ako ng muli ko siyang maalala. sa totoo lang wala siyanv kasalanan dito, napaka-selfish yata ng ginawa ko at hindi man lang ako nag-paalam sa kanya.

bumuntunghininga na lamang ako ng maalala ko ito.

" naman! Tabitha, nandito tayo para mag-enjoy. kalimutan mo muna ano man yang iniisip mo. kung si Jaime iyan pabayaan mo muna ang sarili mo maka-pagisip kaya ka nga nandito eh." sabi sa akin ni Cathy.

" ang sama ko lang kasi, hindi ko man lang siya kinausap. kahit magpaalam sa kanya hindi ko nagawa. baka kung ano isipin niya." sabi ko dito.

sumimsim ng kanyang inumin si Cathy, tinaasan lamang ako ng kilay nito.

WILD RIDE ( Wild Series 1 : Jaime & Tabitha) R-18 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon