CHAPTER 7

441 19 2
                                    

Dedicate ko sayo AmaSadistGirl,.. glad you appreciate this story! Thankiess!

CHAPTER 7

“TWO HUNDRED THOUSAND???” napasigaw na ako sa pagkagulat. Tinignan ko ulit yung paper na hawak hawak ko, two h-hundred??  Ganun kalaki?

“Yes, Ms. Zy. Yan ang dapat mong bayaran. I received that notice from the accounting office. I’m quite confused with that, there seems to be a problem with your bank accounts Aleighna, nagulat ako na makita na hindi ka pa nakakabayad sa school fees mo.”

 

I’m doomed. Definitely doomed!! >__<

 

Kaya ako pinaiwan ni Dean sa office nya ay para ipaalam sa akin na may utang ngayon ang isang Aleighna Zy sa HCA!! This is f*cking great! This is harder than I thought..akala ko malulusutan ko pansamantala ang problemang ito habang inaayos pa ni Tito Stan yung problem namen but d*mn this! Saan ako hahanap ng 200 000? The heck!

 

“Ibig sabihin Dean, h-hindi ako enrolled ngayon dito?”

“Sad to say Aleighna, yes. Unfortunately, you are currently not a student in this school anymore…But I’ll let you stay here until you fix this problem. I want you to fix this as soon as possible, alam ko namang  maaayos mo din agad ito.”

 “O-of c-course Dean” nag-aalangang sagot ko sa kanya. Paano na nyan ako??

“Kung hindi mo ito maayos, I’m afraid, kailangan mo nang umalis sa school na ito. But I know that won’t happen. Makakaasa naman ako sayo. Right, Ms. Zy?” kampanteng tanong sa akin ni Dean.

Napaka-kampante mo, ako namamawis na ng malamig dito! Aisshh, sabagay, wala ka kasing alam eh. “O-okay Dean.”

“Good. If you have nothing more to ask, you may now leave.”

“Thank you Dean” tumango naman siya kaya agad na akong naglakad palabas ng Dean’s office.

>>___<< Nanlulumo ako! TWO HUNDRED THOUSAND?? The heck! Saan ako pupulot ng ganun kalaking halaga?!

Aishh! Kainis! Mula nung nawala si Dad, nagkandaleche-leche na ang ikot ng mundo ko! Bwisit naman kase, bakit ang mahal ng school fee namen?? 200k yun! Sana panaginip lang lahat ng ito, yung bang magigising na lang ako bilang ang dating Aleighna, the Evil who Has Everything.

Pumikit-pikit pa ako, pero wala pa din eh..di ko kayang lokohin ang sarili ko,, alam kong gising na gising ako! I hate this life!

“Leigh” nabalik ako sa ulirat sa pagtawag na yun ni Grey. Hinintay nya pala ako? TT__TT

“G-grey”

“Ano daw ang problema?”

“Grey kail---“ Wait---Sasabihin ko ba?? Pero hindi pa kami okay,.. Shit, anong gagawin ko?

“Leigh”  Wag na muna siguro, hindi pa kami okay..saka nalang kapag nagkabati na kame. 

“W-wala. A-about lang dun sa nangyari kanina”

Game Over Ms. PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon