CHAPTER 18

335 16 10
                                    

Chapter 18

Ang nakaraan....naglalakad si Aleighna sa corridor ng school. YUN LANG!! Kung gusto nyong kumpleto, basahin ang last chapter lels~

-Point-of-View-

Aleighna Jencen Zy

Nagulat na lang ako nang may biglang humigit sa braso ko’t hinila ako mula sa corridor. Bakit ba andaming nandudukot sa akin ngayon?  “T-teka lang!! Sandaleee!!”

Pero hindi nya ako pinakinggan at patuloy lang sya sa paghila sa akin, “B-bitawan mo nga ako!! S-saan m-mo ba ako dadalhin?”

 

Nagsimula na ding magbulungan ang mga estudyanteng nakapaligid sa amin. Ano ba kasing ginagawa nitong taong to at hinihila nalang ako bigla? “Nyemas! di mo ba ko bibitawan?!”

 

Natigilan naman sya sa pagsigaw kong iyon kaya naman inis na hinila ko sa kanya ang braso ko.  Pero nagulat ako nung unti unti syang humarap sa akin,... “Chase?” pero ang mas nakakagulat ay nakita ko ang  pagtulo ng luha sa magkabilang pisngi nya.

TUG.DUG.TUG.DUG.

Ewan ko pero pakiramdam ko bigla akong nanghina sa nakita ko. “C-chase, anong nangyari?”

Hindi nya ako sinagot bagkus hinawakan nya ang magkabilang balikat ko’t tinitigan lamang ako. Hindi ko maintindihan ang ikinikilos ng lalaking toh at bwisit! Kinakabahan ako!! “Woy Spongebob! A-ano bang g-gina----“

 

“Mahal kita!”

O_______O

Ano daw?

Mahal kita

Mahal kita

Mahal kita

                      

O______O? “A-ano?” na-uutal na tanong ko. Ayaw tanggapin ng sistema ko yung sinabi nya kahit na dinig na dinig ko naman iyon. Nagsimula na ding umingay ang bulungan ng mga nakapaligid sa amin. “Ano b-bang kalokohan to ha?”

“I’m serious Aleighna. I’m inlove with you” seryosong sagot nya

Tsk. Ginugulo ako ng lalaking to! Alam ko tini-trip lang ako ng isang toh eh! Pero bakit parang may parte sa puso ko na nakaramdam ng tuwa at gustong maniwala sa kanya? Anong ibig sabihin nito?

Pero mali! Hindi pwede! Si Grey lang ang mahal ko.

“Please Aleighna, iwan mo na si Grey. Ako nalang” punong puno ng lungkot ang mga mata nya habang sinasabi nya iyon.

“ALEIGHNA!” sabay kaming napalingon sa sumigaw na iyon at halos manigas ang buong katawan ko sa nakita ko. Si Grey!

Hinila naman nya ako palayo kay Chase, “Fuck! Hindi mo ba titigilan ang girlfriend ko ha?!”

“She doesn’t love you. Stupid!” palipat lipat lang ang tingin ko sa kanila.

“Ah ganon? Siguro naman titigil ka na sa gagawin kong to” halos lumuwa ang mga mata ko noong makita kong dumukot ng baril si Grey sa bulsa nya at itinutok kay Chase ito. Bakit sya may baril?

Game Over Ms. PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon