CHAPTER 6

470 23 3
                                    

Hi there!

Nanlumo ako nung ayaw magread nung usb ko...buti na lang ni-push ako ni ate Lea!! haha

One more thing...madalang na lang akong mag-online nyan, nabura ng katangahan ko yung operaMini ko eh, kaya ayun..badtrip!

Anyways....sana magustuhan nyo po ito!!!

CHAPTER 6

Aleighna’s POV

“Eto oh,.inumin mo”  sabi ko saka iniabot sa kanya ang bottled water.

“*sniff* S-salamat*sniff*” sabi nya sa kalagitnaan ng pag-iyak nya saka naman sya uminom dito.

Aishh. Kainis naman! Di naman ako dapat nandito eh, dapat ang ginagawa ko ngayon..hinahanap na si Grey hindi yung binabantayan ko tong iyaking Aizelle na to. Nasa likod pa rin kami ng gym, nun kasing umalis si Chase, hanggang ngayon di parin sya tumitigil sa pag-iyak.

Kung di lang talaga ako nakokonsensya sa ginawa kong pag-i-eavesdrop kanina, iniwan ko na ito eh!.

“Oh Eto tissue!” pabato ko pang inabot sa kanya ang tissue nung pilit nyang pinupunasan ang  luha sa pisngi nya. Mugtong mugto na yung mga mata nya pero di parin sya tumitigil.

“Hoy pwede ba, tumigil ka na kakaiyak dyan! Ampanget mo kaya..” nasabi ko nalang. Oo, yan ang nasabi ko kase yan ang unang pumasok sa isip ko.

I know, dapat hindi ko sya sinusungitan, instead, i-comfort ko pero hello?? Anong alam ko sa pag-cocomfort ? Ni ako nga di pa ako umiyak ng ganyan, anong alam ko dyan!?

“P-pasensya k-ka na ha?? A-ang sakit lang k-kasi ng nararamdaman ko..*sobs*Sayo ko pa tuloy naibuhos tong kadramahan ko*sniff*”

 

“Oo ang drama-drama mo kaya tumigil ka na dyan, iiwan na talaga kita dito” inis na kunwaring  sabi ko. Langya, parang ang sama nung pagkakasabi ko sa kanya nun ahh. Makonsensya ka nga Aleighna!!

Pinunasan naman nya ang mga luha nya at natigilan ako nung isang mapaklang ngiti ang ipinakita nya sa akin. Hala! “Thank you ha, buti na lang talaga dumating ka kanina…kase kung hindi, baka di ko mapigilan ang sarili ko at bawiin lahat nung sinabi ko sa kanya eh.”

 

Okay sige! Pagbigyan, magpapaka-good girl ako ngayon…NGAYON lang ahh!

*Ehem*

*Ehem*

“Hehe, uhmm alam mo, wala naman talaga akong alam sa pag-cocomfort eh, pero gagayahin ko na lang ang gasgas na linya nung mga napapanood ko sa TV” kalmadong sabi ko saka huminga ng malalim. “Kung kailangan mo lang ng karamay, makikinig ako sayo” sabi ko sa pinakamalambing na tono. Ghaaadd! Anubayan!  Di bagay sa akin haha. Hoy pero wag ka! Kahit mukha akong baduy, sincere ako dun ahh. d^_-b

“Nakakatuwa ka naman” tatawa-tawa pa nyang sabi.

 

Game Over Ms. PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon